Chapter 50

3 0 0
                                    



Kapapasok ko lang sa trabaho ko, hinatid ko pa kasi si ellie sa school nya. Hayy panibagong araw na naman! Sana naman magandang araw ang sasalubong sakin ngayon. Sumakay na ako ng elevator, mabilis naman itong sumara. Pinindot ko na rin yung 27th na button at hinintay na makarating don. Nasa may 23th floor pa lang kami nang bumukas yung elevelator at pumasok si dwayne. Nagulat din ata sya.
"Goodmorning queen" huli na nang malaman kong malakas pala ang pagsabi nya non at, nakalimutan kong may kasabay pala kami. Ugh! Nakakahiya! Bwisit talaga to!

"Oooppss sorry! Whahaha" tawa ka pa. Mamaya ka sakin

"Bakit ang aga mo ata ngayon dwayne? May himala bang nangyare?" Ngayon lang kasi sya pumasok ng maaga. At ngayon lang din kami nagkasabay

"Whaha lagi ba kong late?"

"Di ba?" Sarcastic kong sagot sa kanya, tumawa lang sya ng malakas

"Ah hindi, may sasabihin daw kasi si daddy, kaya kailangan kong pumasok ng maaga ngayon" nacurious naman ako, kaya kumunot yung noo ko.

"Bakit?"

"Di ko alam eh, pero ayy oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na pinapatawag ka rin ni daddy" kinabahan tuloy ako bigla. Mukhang di biro ang paguusapan ngayon ah

Tumunog na kaya naman lumabas na kami, nagsabay na kaming pumasok sa Conference room. Pagpasok namin ay di ko alam ang gagawin ko, nandito na pala lahat ng may katungkulan sa company. At mukhang kami na lang ang hinintay

"Dad" - wayne

"Sir"

"Mabuti naman at dumating na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay" sabi agad ng daddy ni dwayne

"We're sorry sir" umupo na kami, magkatabi kami, yun lang kasi ang vacant

"So lets start" nagsimula na nga ang meeting at kung ano ano ang mga sinasabi nya, pero kahit isa dun wala akong nagets. Ewan ko ba, basta. Parang may hindi magandang mangyayare ngayon.

Nagdiscuss lang sya ng nagdiscuss at may nabanggit sya na yun lang ang pumasok sa isip ko

Philippines..

Anong meron sa philippines?

"So yun, gaya ng sinabi ko kanina, kailangan ko katulong ng magmamanage sa business isa nating don,though iba na ang CEO. At ang napagkasunduan namin ay ikaw dwayne, wag ka magalala because the one who will teach you is your cousin" ah so aalis pala sya

"At syempre dahil kailangan mo rin ng makakasama, may napagkasunduan din kami na makakasama mo"

"Sino dad?" Ininom ko muna yung coffee na nasa harapan ko, bat di ko napansin kanina na may coffee pala dito?

"Si.. Ms. Sylvestre"

O_O

What the?! Naibuga ko kaagad yung kape na kaiinom ko lang. Sayang tuloy. Pero.. .ako? Akong ako??! Bat ako?

"Alam ko ang iniisip mo Ms. Sylvestre, ikaw ang napagkasunduan naming isama kay dwayne dahil malaki ang tiwala namin sayo, simula nang pumasok ka sa kumpanyang to. Sa apat na taong pagtatrabaho mo dito, subok kana sa mga trabaho, at kahit isang beses ay hindi mo kami binigo, kaya congrats!" Naiyak naman ako.

Okay lang naman sakin na kasama ako ni dwayne pagpuntang pilipinas. Pero isa lang ang ikinababahala ko, pano kung, pano kung.. magkrus ang landas namin? Sila ng anak ko? Pano ko ipapaliwanag? Ano ang gagawin ko? Pano kung magkita uli kami ng mga kaibigan ko at makita nila si ellie? Sino ang ituturo kong ama ni ellie? Si dwayne? Ang hirap naman ng sitwasyon ko!!!!!

"Is it okay to you Ms. Sylvestre?" Anong isasagot ko? Kasi sa totoo lang di ako okay. Masyado akong nabigla sa pangyayare ngayon. Napakabilis

Siniko ako ni dwayne kaya naman bumalik sa katinuan ang pagiisip ko

"Ah.. y - yes sir" saka ako ngumiti ng pilit. Wala naman akong magagawa eh.




In The End   Where stories live. Discover now