Siguro mga 3 - 4 days na nung nagpaka - gentleman sakin si wayne. But you know? Parang kanina lang nangyare. Ewan pero feeling ko gumagaan na yung loob ko sa kanya. Pero lilinawin ko lang po ah?
Di. ako. Inlove. Kay. Wayne.
Okay na? Malinaw na? Ayy oo nga pala. Malapit na ang finals namin, kaya sure akong magiging busy na naman kami. Hayy bat ba kasi nauso ang finals eh? Tsk.
So dahil break na namin. Nagkita kita na naman kami nila yunamei. Sama na lang daw ako sa kanila para masaya! Dun daw kami pupunta ngayon sa Secret Room nila. Dami nilang alam no? Dun na lang daw sila pinagpapahinga ng mga boyfriend nila dahil nga sa puspusang pagrereview namin para sa finals.
Kompleto kami, ako, caramel, shaira, yunnamei, drey, acer, bryce, chase and wayne.
So yun nga, ng makarating kami dun. Nilantakan na agad ni caramel yung mga pagkain dun sa lamesa without saying hi / hello man lang sa mga tao or may ari ng pagkain na yun! Grabe talaga takaw netong baboy na to! Pero wag ka, kahit malakas yan kumain sexy yan!
"Oyy wag mo ubusin!" - bryce. Sinamaan naman sya ng tingin ni caramel. Whehe lagot kang bryce ka!
"Bakit?! Ikaw ba bumili nyan? At ikaw pa ang unang nagreact?!"
"Kasali ako sa mga nag ambag mabili lang yan!"
"Oh? Eh ano ngayon? Di pa ko kumukuha oy! Nilalasap ko pa lang!"
Ganyan lang sila. Parang mga bata! Siguro dyan talaga nag umpisa yung love life nila? Ang cute langs! Habang nag aaway sila, na parang nag pi - fliptop battle lang, nanunuod lang kami, nang biglang bumukas yung pinto. Kaya naman lahat kami napatingin sa pinto na yun at sa taong nagbukas nunLahat sila napatigil sa kakatawa at sila bryce and caramel din napatigil sa pag aaway na parang fliptop battle lang kanina. Nakatulala lang sila dun sa babaeng nagbukas ng pinto.
Anong meron? Biglang tahimik?
"Babe.." biglang basag naman nung babae sa katahimikan
"L-laide??" Di makapaniwalang tanong naman ni wayne dun sa babae na nagsalita
"N - namiss mo b - ba ko?" Nakatingin lang sya kay wayne habang sinasabi nya yun. Bigla namang lumapit si wayne dun sa babae at niyakap agad ito
"Y - yes, b - babe.. I miss you.."
Ah.. so sya yung ex - girlfriend ni
w - wayne? Laide.. laide right? Oh edi masaya na sya, kasi nandyan na yung nangloko sa kanya. Tanga rin talaga to si wayne eh no? Sinaktan na, niloko na, ginamit pa! Tapos may pa "I miss you" pa sya? Andami ng tanga ah.. dadagdag pa sya? Siguro kung may magpaparada ng mga tanga, sya yung una no?Magkayakap parin sila wayne and laide, pero bat ganon? Parang.. parang ang sakit nila sa mata?
Unti unti naman lumingon sila caramel sakin. Yung tingin na parang.. parang ewan. Binigyan ko naman sila ng bakit - kayo - nakatingin - sakin look, habang nakataas ang dalawa kong kilay. Pero para lang silang tanga. Ganon parin yung tingin nila sakin. Kumalas naman sila wayne and laide sa pagyayakapan
"Canteen tayo?" Paarteng tanong nya kay wayne. Wala pang 2 seconds.
um - oo naman agad si wayne na kinainis ko. Lumabas din sila agad ng hindi man lang nagpapaalam samin. Natahimik naman kami agad pagkatapos sumara nung pinto"U - ury.. okay ka l - lang?" Tanong ni shaira. Bat ba sila ganyan? Tanungin ba naman ako kung okay lang ako? Yah! okay lang ako, kahit naiinis ako kay wayne dahil sa katangahan nya
"Oh my gosh! Bumalik na pala ang mang - gagamit?!" - galit na galit na sigaw ni caramel
"Di man lang tumanggi si wayne eh no? Di pa nadala sa pang - gagamiti ni Laide sa kanya!" Di makapaniwalang sabi ni yunamei. Well.. di ko sila masisisi, tama naman kasi sila eh!
"Bumalik pa sya" - bryce
"Nako sigurado akong lolokohin nya lang na naman si wayne, para sa gusto niya" - drey
"Manloloko na, manggagamit pa!" - acer
"Guys, chicks pa rin yun! Wag naman kayong ganyan" - sabi ni chase na halatang may naiisip na namang ka - berdehan. Napalingon lahat sila kay chase maliban sakin. Saka sila nag sitinginan. Siguro wala pang 1 second sinugod nila si chase.
"Walangya ka talaga! Ang baboy mo!" Shaira sabay sabunot kay chase
"Wala kang pinipiling lugar!" Drey sabay hawak sa kamay nya
"Wala ka ring pinipiling sitwasyong manyak ka!" Yunamei sabay kurot
"Loko loko ka talaga chase!! Hanep!" - acer. Whahaha kawawa naman! Napag - kaisahan! Napaka manyak kasi! Bleh!
"Aray ko! Bwisit kayo! Pag ako lang nakawala dito, lagot kayo lahat sakin!!" Sigaw ni chase habang umiilag sa pagkurot ni shaira
Bigla silang tumigil at nag katinginan, pansin ko yan kanina pa, yung biglang tinginan tapos sabay sabay na gagalaw.
"Ano ba? Kanina pa kayo ah!" Nakakaloko na tong mga to, putek! Dahil nabadtrip ako, lumabas na ako ng secret room na yun at pumunta sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko