Ngayon alam ko na kung ano talaga ang pinunta namin dito. Pumunta kami dito, para lang kumain! Pwede na mang sa bahay na lang, ano ba trip neto ni shaira? Kaya ayon! Sya na ang nag order. Sya naman talaga taga order namin eh. pansin nyo? Whahaha
"Crislyn" tawag sakin ni yunamei
"Oh?" Busy ako kakikwento sa inyo tapos mang iistorbo? Aba mali yon!
"Tingin ka" sabi nya tumingin naman ako sa kanya
"Oh? Anong meron?" Tanong ko naman sa kanya habang nakataas ang dalawang kilay
"Tingin ka dun" tumingin naman ako sa tinuro nya. Hmm bwisit! Nakita ko pa ang isa pang panira sa araw ko. Si wayne! Sya lang kaya mag isa? Or.. tss asa pa ko!! Eh alam ko namang laging nakadikit sa kanya si malanding manloloko at manggagamit na si laide!!
"Ano tinitingin - tingin mo dyan?" Tanong nya sakin na nakataas ang kilay. Tinignan ko lang sya. Wala naman kasi akong sasabihin.
"Go!" Anong go? Baliw na ba to?
"Anong go?"
"Ano bang ginagawa ng isang crislyn sylvestre?"
"Ano ba?" Teka nga. Ano ba trip nito?
"Diba warfreak ka?! Awayin mo na si laide!" sabat naman ni caramel
"Para san?"
"Slow mo talaga eh no? Diba crush mo si wayne?" Tanong ni yunamei at caramel
Crush??
Ko??
Si wayne??!!
"HELL NOOOO!!!" Sigaw ko. Kaya naman napatingin lahat ng tao sakin. Ugh nakakahiyaaaa!!
Napatingin sakin si wayne sakto namang lumapit na si laide sa kanya kaya parehas silang nakatingin sakin ngayon. Base sa tingin nyan alam kong nakataas ang kilay nya. Malanding to!!
"Sorry na crislyn. Alam kong sasapakin mo ko!" Sabi ni yunamei
"Joke lang naman yun crislyn eh" sabi din ni caramel
Ugh naiinis ako! Nakita ko na nga si wayne. Nakita ko pa yung malanding mangloloko at manggagamit na laide na yun!! Bwisit! Tumayo ako at kinuha ang gamit ko
"Crislyn? Aalis ka na? Di pa tayo kumakain oh" sabi agad ni shaira na kararating lang
"Sorry na crislyn" sabay na sabi naman ni yunamei at caramel. Problema ng mga to?
"Magsi - CR lang ako. Wag kayong OA!" Sabi ko na lang. Di ko naman kasi talaga alam kung bakit ako tumayo eh! Parang tanga lang no?
"Ayy ganon? Kala ko kung ano na eh!" - shaira
"Oo nga! OA natin!" - yunamei
"Sige na. Bilisan mo ah! Baka maubos agad tong in - order natin. Alam mo naman si shaira.." pagpaparinig ni caramel
Pumunta na ko sa may CR. Syempre sa ladies. Whaha at yun tumingin lang ako sa salamin. Bakit naman kasi ganon yung reaction ko kanina eh. Nakakahiya tuloy!!
Nagulat ako ng biglang bumukas ng malakas yung pinto. Trip neto? Galit ata to eh!
"So.. masaya ka na?" Tanong ni laide
"Bat naman ako magiging masaya kung ikaw kaharap ko?" May pang aasar na sabi ko
"Iniinis mo ba talaga ko?" Lakas din ng tama neto eh no?
"Baka ikaw"
"Talagang sinundan mo kami ni wayne no?"
"Whahaha bat ko naman kayo susundan? Nasisiraan ka na ba? Ayoko ngang makita na kasama ka ni wayne eh, nagpapaka tanga kasi sya sayo. Eh halata namang ginagamit mo lang sya!" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay. Ano ka ngayon? Kala mo ah
"Anong sabi mo?"
"Ayoko nang ulutin. Kung di mo narinig, sorry na lang! Di ko inakala na tanga ka rin pala!" Yun lang at lumabas na ko. Sinasayang ko lang ang oras ko
Pagkadating ko sa table namin kanina ay nakatingin sila shaira sakin.
"Anong nangyare?" Tanong agad ni yunamei
"Bat ganyan yang mukha mo? Nangigigil ka ba?"
"Wala.. may nakita lang akong malanding mangloloko at manggagamit sa CR"
"Oh? Si laide ba?" - shaira
Tumango lang ako"Ano namang sabi?" - yunamei
"Sinundan ko daw sila ni wayne. Kapal ng mukha nya!"
"Yah right. Makapal pa sa pinagpatong patong na dos por dos yung mukha nun eh!" - caramel
"Grabe ka naman caramel! Kasing kapal lang ng pader!" - shaira
"Ayy oo nga no? May point ka!" Sabay apir nilang dalawa. Mga monggoloid!