Chapter 8

37.4K 1.3K 242
                                    

Morixette's POV


Balisa ako habang nasa biyahe kami patungo sa park na kinaroroonan ng iba naming kasamahan. Sa sobrang dami ng aking iniisip, para bang puputok na ang ulo ko.


"Morx, kung anuman iyang iniisip mo, ipagliban mo muna iyan."


Napukaw bigla ni Agatha ang atensiyon ko kaya ibinaling ko sa kaniya ang aking tingin.


"Pasensiya na," sambit ko.


"Matulog ka na lang muna at gigisingin kita kapag malapit na tayo," aniya.


Tanging tango na lamang ang itinugon ko sa kaniya bago ko ipikit ang aking mga mata.


Nang makarating kami roon, ginising naman niya ako kaagad. Inat-inat sabay kusot sa aking mga mata.


Agad na bumungad sa amin sina Ethan at Ate Roxette nang bumaba kami ng sasakyan. Napakunot ako bigla ng noo kasi para bang may something sa kanila na hindi pa nila sinasabi. O ako lang ang hindi nakakaalam?


Paano ba naman kasi, nadatnan namin silang dalawa na nakahilig ang ulo sa isa't isa habang nakaupo sa may bench nitong park sa ilalim ng isang puno. Hindi lang iyon, magkahawak kamay pa talaga sila habang sarap na sarap sa kanilang pagtulog.


Napadako bigla ang aking tingin kay Agatha na nasa aking tabi. Nakikisimpatiya ako na tila ba nanghihingi ng kasagutan sa aming nadatnan.


Nagkibit-balikat lamang sila at wari mo'y walang alam.


Dumako naman ang tingin ko kay Aaron na wari mo'y nanghihingi rin ng kasagutan.


"Huwag ka sa akin magtanong, sila ang usisain mo," pahayag niya.


Napangiwi na lang ako dahil wala akong nakuhang sagot. No choice.


"Ikaw na ang bahala riyan, hahanapin lang namin ni Aaron 'yung iba," ani Agatha.


"Sige," tugon ko.


Naglakad na silang dalawa palayo habang ako naman, hindi ko alam kung paano gigisingin ang dalawang ito.


Pero kung tutuusin, boto ako kay Ethan para kay Ate kung sila naman na talaga. Gahd, kinikilig ako sa kanilang dalawa nang dahil sa iniisip ko.


Paano ko ba gigisngin ang dalawang 'to nang hindi nayayamot? Ahm...


Got it!


Nakakita ako ng dahon sa may lapag at kinuha ko iyon. Tinanggal ko ang dahon hanggang sa matira na lang ay 'yung tangkay.


Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroronan nila. Nang makalapit na ako, kiniliti ko ang tainga ni Ate Roxette gamit ang tangkay ng dahon.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon