Agatha's POV
Nang magising ako, napansin kong wala sina Mark at Roxette. Matagal na akong naghihinala sa dalawa na iyan na parang may something na namamagitan sa kanila kaso hindi ko maipaliwanag kung may pumipigil ba roon o ano.
Alam ko namang boyfriend ni Rox si Ethan kaso iba talaga ang lagkit kapag nagkakatinginan silang dalawa. Hindi naman ako bitter, tanggap kong masaya na si Ethan sa piling ng iba.
Ang isa pang tanong na gumugulo sa aking isipan ay kung masaya nga bang talaga si Rox kay Ethan? Mahal niya nga ba talaga ito? Pero huwag naman sanang magkatotoo na tama ang iniisip ko. Bahala na nga sila sa buhay pag-ibig nila, hindi ko na kailangan pang manghimasok.
Kaagad kong ginising si Nikka para ipaanap 'yung dalawa.
Tulog pa si Aaron at tiyak na hapo pa rin siya hanggang ngayon kaya hindi ko na muna siya inabala pa.
Tumungo ako sa likod ng sasakyan para kumuha ng aming kakainin.
Sa mga ganitong pagkakataon, malaki talaga ang naitutulong ng mga cup noodles at pagkaing de lata. Mabuti na lang at may baon kaming thermos na may lamang mainit na tubig.
Kumuha ako ng limang seafood flavor at nilagyan ko na ng mainit na tubig saka tinakpan.
Makalipas ng ilang minuto, nagising na si Aaron.
"Ang bango naman no'n," bungad niya habang kinukusot-kusot ang mata.
"Kumusta? Nakabawi ka na ba ng enerhiya?" ani ko.
"Medyo," tugon niya habang nag-iinat-inat pa.
Ilang saglit pa, dumating na ang tatlo.
"O, saan naman kayo galing na dalawa?" bungad ko kina Rox at Mark.
"Nakita ko silang nag-eensayo na dalawa," singit ni Nikka.
"Nikka, hindi ikaw ang kinakausap ko," pambubuska ko.
"Sorry na," saad niya at bahagyang napahagikgik.
Para namang makahiya ang dalawang ito na nakayuko lang. May nangyari kaya hindi kaayaaya?
"O siya, kuha na kayo rito ng makakain," pahayag ko.
Nagkuhanan naman kahit lahat at tumalima. Sa may driver's seat kumain si Aaron habang si Nikka ay naupo sa may ilalim ng puno sa 'di kalayuan. Si Mark ay palakad-lakad na tila nagmumuni sa isang gilid at si Roxette naman ay naupo sa puwesto niya sa loob.
Nandito lang ako sa likuran at pinagmamasdan ang mga kasamahan ko sa mga ginagawa nila habang kumakain. Habit ko na yata talaga ang maging mapagmasid.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Misteri / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...