Chapter 53

20K 722 73
                                    

Morixette's POV


Nakadukmo lang ako sa aking mga palad habang hinihintay ang paglaon ng oras. Hindi ko alam kung paano ako makalalabas sa seldang ito.


Kalungkutan, iyan ang higit na lumalamon sa akin ngayon. Lahat ng naiisip ko ay puro kasawian, kabiguan, kapahamakan at kapighatian. Naisin ko mang matulog para hindi maisip ang mga ganoong bagay ngunit hindi ko magawa.


Kahit na anong masayang alaala na sinasariwa ko, lagi na lang itong nalalakipan ng hindi maganda. Ano pa bang pagsubok ang kahaharapin ko sa lugar na ito? Nahihirapan na akong magpalamon sa negatibong enerhiya na namumutawi sa aking isip.


"Bata, heto nga pala ang bag mo," bungad ng pulis sa gitna ng aking pagbubulay-bulay.


Napadako ang aking atensiyon sa kaniya sapagkat naulinigan ko ang hinahon ng boses niya. Siya 'yung pulis na mabait kanina.


"Maraming salamat po!" tugon ko.


Kinuha sa akin iyon kanina ng bastos na pulis. Mabuti na lang at mabait ang pulis na 'to.


"Na inspeksiyon na namin iyan. Wala namang mapanganib na bagay sa loob ng iyong bag kaya isinauli ko na sa iyo," aniya.


"Salamat po ulit," ani ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at napansin ko na wala ang iba niyang kasamahan kaya dumiskarte kaagad ako.


"Sir, puwede po bang patakasin n'yo na ko rito? Inosente po talaga ako!" saad ko. Isinukbit ko kaagad ang aking bag para kung sakali man na payagan niya ako, e 'di mainam.


"Pasensiya na bata. Walong oras ka pa lang dito. Sumusunod lang din ako sa batas kaya huwag mo nang ituloy ang iyong plano." Umiiling-iling siya. Mukha mahirap siyang goyoin kahit na mabait.


Minabuti ko na lang na bumalik sa isang sulok at doon naupo. Mukhang kailangan kong hintayin na mamatay ang oras bago ako makalabas dito. Isinara na ng pulis ang selda at saka umalis. Balik na naman ako rito sa pagiging mag-isa. Nakalulumbay.


Naupo akong muli sa sahig. Tinanggal sa pagkakasukbit ang aking bag saka ito kinalong. Dito muna ako pansamantalang dumukmo.


"Kailangan nila ako..." sambit ko habang nakatulala.


"Kuwaderno, wala ka bang ibibgay na sulat o mensahe man lang?" dugtong ko pa.


May kakaibang dugo ang dumaloy sa aking sistema nang maisip ko ang sulat. Nagbalik ako sa katinuan at doon ko naisip ang mga sulat ni Jerico para sa akin. Binuksan ko ang aking bag at isa-isa itong kinuha at isinalansan sa sahig. Kumuha ako ng isang sulat at saka iyon binasa.


Hindi ko alam kung bakit ikaw lagi ang aking bukambibig. Sa tuwing nakikita ka, puso ko'y bumibilis ang pintig. Iniisip ko tuloy na nakaunan ka sa aking bisig at sa tuwina'y laging nakasandig.


Sa unang sulat pa lang na nabasa ko, nakaramdam kaagad ako ng kirot. Tumatagos sa aking kaibuturan ang bawat salitang nakasulat dito. Na-iimagine ko ang kaniyang itsura at nakikita ko mismo sa aking imahinasiyon ang kaniyang pigura habang sinasambit ang mga katagang ito.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon