Grace's POV
Walang pansinan, walang imikan. Ganiyan ang naging bungad ng umaga namin nang makasalubong namin si Ginny sa may baba. Alam kong kasalanan naman namin talaga ni Hannah kaya kami dapat ang humingi ng kapatawaran.
Gaya ng dati, buhay senyora kami rito sa bahay nila Ginny. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng loob ni Hannah na gumanito nang gumanito. Maski tuloy ako ay nahahawa sa kaniya. Parang tinaksan na ako ng hiya sa katawan.
"Hannah, wala ka bang balak na mag-sorry dahil sa nagawa natin?" bungad ko habang nagsisiyesta kami sa may sala.
"S'yempre, wala. Huhupa rin naman 'to," tugon niya habang nilalaro ang daliri.
"Hindi ka ba nakokonsensiya sa mga nagawa natin?" ani ko.
"Kung hindi ka na pinapatahimik ng konsensiya mo, go. Humingi ka ng tawad..." aniya habang pinandidilatan ako ng mata.
"Hay, ewan ko ba. Mag-iisip na muna nga ako," pahayag ko.
Lumabas na muna ako saglit ng bahay para magpahangin. Naiwan sa may sala si Hannah habang nakahilata sa may sofa. Pumunta ako sa may likuran ng bahay dahil bukid doon. Kailangan ko ng sariwang hangin.
Habang naglalakad ako, nadaanan ko ang isang punong mangga na walang bunga. Mayroong duyan dito na nakatali sa matibay na parte ng sanga. Minabuti kong maupo na muna upang magnilay-nilay.
Walwal dito, walwal doon. Magpakasaya hanggga't may oras pa. Iyan ang naging gawain namin madalas ni Hannah. Ibang iba sa trip namin ng mga kaibigan ko talaga noon. Na-miss ko na ang D' Kengkoys, ang kulitan at tawanan namin kapag napagkakatuwaan ang isa sa amin. Ang pamilya ko, gustong-gusto ko na silang makita at mayakap muli kaso hindi maaari.
Marami akong nasariwang alaala habang umuugoy ang duyan. Napatanaw ako sa bukirin na hitik at tila sagana sa pananim. Mukhang malapit na ring maani ang mga palay rito. Kung may cellphone lang sana ako rito, malamang ay nag-selfie na ako. Ang ganda kasi ng background.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at minabuti kong mamasyal sa bukirin. Wala pa namang ganito sa subdivision na kinatitirikan ng bahay namin. Masaya rin pala kahit na nililibot ko lang 'to. Kung noon ko pa siguro ginawang pumunta rito, hindi siguro ako napapasama lagi kay Hannah. Kaso nga lang, boring talaga kapag wala kang makausap. Hindi pa naman ako tinatakasan ng bait para kausapin ang mga bagay na walang buhay.
Speaking of tinakasan ng bait, nakakapanibago talaga si Ethan dahil nabaliw siya nang dahil sa pag-iwan sa kaniya ni Roxette nang walang paalam. Hindi ko naman kung ano-ano ang pinagdaraanan niya sa buhay pero sana, bumalik din siya muli sa katinuan.
Ilang saglit pa, napatigil ako sa pamamasyal dito sa bukid dahil sa bumungad sa akin. Nakaramdam ako ng panginginig ng tuhod at tila ba natuod na ako rito sa aking kinatatayuan.
"Hi, Grace. Kumusta ang pagiging santita?" mapantuyang bungad ni Xiara sa akin. Nakatayo siya ngayon sa may harapan ko at tila isang dipa lang ang layo namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mistério / SuspenseAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...