Agatha's POV
Habang naglalakad kami papalapit sa kalaban, naghahanda naman sila para sa kanilang pagsugod na gagawin.
Tatlong dipa pa lang ang layo namin sa isa't isa nang biglang silang kumilos. Nagkatinginan kami ni Rox at napahinto sa paglalakad dahil para may step silang isinasagawa.
Ang unang kilos nila'y in-extend nila ang kanilang kanang kamay habang ang kaliwang paa naman ay nasa likuran ng kanang paa habang naka-point pa. Pagkatapos, inilagay nila ang kanilang kanang kamay sa harapan ng kanilang mukha habang nakayuko ang kanilang ulo.
Medyo matagal-tagal din silang nasa ganoong puwesto mga isang minuto siguro. Then, ibinaba na nila ang kanilang kanang kamay at itinaas naman sa ere ang kaliwa habang nakatingala. Hindi na muna namin sila ginambala ni Rox dahil gusto naming malaman kung ano ang kanilang gagawin.
Kamukatmukat namin, may mga bulang lumalabas sa kanilang kamay at pumapaikot sa kanila ngayon. Isang kamao ang laki ng bawat bula. Hindi namin alam kung ano ang espesyal sa bulang iyon na parang ordinaryo lang naman.
"Humanda kayo sa pinagsama naming lakas!" sabay nilang turan.
"Handa kaming tapatan 'yan!" giit ko.
"Bubble yells!" sambit nila sabay tapat ng kanilang kaliwang kamay at sumugod sa direksiyon namin ang mga bula.
Hindi ako magpapatinag sa kanila kaya hindi ko hahayaang lampasuhin nila kami nang madalian. Laban kung laban.
"Air strike," saad ko. Nagpakawala ako ng hangin para mapatigil sa pagsugod ang mga bula. Ngayon, nakahinto ang mga ito sa ere.
"Rox, time to shine," ani ko. Ngumiti naman si Rox bilang tugon.
"Mud splitter," sambit ni Rox at saka ipinadyak ang kaniyang kanang paa sa may sahig kaya nagkaroon doon ng putik. Ilang saglit pa, para nitong binubugahan ng putik paitaas ang mga bulang nasa ere. Nang magmistulang putik na bola ang mga bula, saka ako muling kumilos.
Gumamit ako ng air manipulation para mapagalaw sa ere at ma-control ang mga iyon.
"Sali ako riyan," singit ni Rox at gumamit ng thorn soil at minanipula niya rin ito sa ere. Ang sarap panuorin ng mga bulang binalutan ng putik at torn soil ni Rox na tila ba sumasayaw sa ere. Matapos ang pagsasaya, ibinalik ko sa kalaban ang bula nila kasabay ng pagsugod ng thorn soil.
"Hindi n'yo kami madadaan sa mga ganiyan," ani Scorfaye. Itinaas niya ang kanang kamay sa ere at pinaikot-ikot na tila ba may hawak na bagay. Nagulat kami ni Rox nang biglang magbuno ang thorn soil at 'yung bula.
Napatakip kami ng aming tainga dahil sa bawat pagputok ng bula, may tila isang malakas na sigaw itong pinapakawalan kaya nakakabingi. Hindi kami makabuwelta dahil nakakatulilig ang lakas no'n.
"Water blast," saad ni Draion at binomba kami ni Rox ng tubig. Tumilampon kami palayo dahil sa lakas ng impact no'n. Ngayon, 'yung dalawang kalaban naman ang naglalakad papalapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystère / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...