Chapter 62

19.1K 720 73
                                    

Agatha's POV


Ramdam naming malakas ang mga kalaban kaya hindi kami dapat magpatinag. Tamang diskarte na lang siguro ang makapagpapanalo sa amin dito.


"Masaya kami sa pagbisita ninyo rito sa aming teritoryo," sambit ng isang tinig mula sa itaas. Napatingala kaming lahat para idako ang atensiyon doon.


Mayroong limang bolang apoy na nagpapaikot-ikot doon at unti-unting lumalabas ang apoy na ahas sa may gitna. Hindi nga kami nagkamali, si Sheldon nga.


Dahan-dahan siyang lumapag paibaba at tinabihan si Nyon. Pareho silang nasa anyong ahas na apoy.


"Mukhang wala pang balak na magpakita ang iba pa nating kasamahan," bungad ni Sheldon kay Nyon.


"Magpapakita rin sila mayamaya," tugon nito.


Ilang saglit pa, idinako nilang dalawa ang kaniyang atensiyon sa aming tatlo nina Roxette.


"Kami na muna ang kalabanin ninyo," ani Nyon.


Nakaramdam akong bigla ng panginginig ng aking tuhod dulot ng kaba. Wala pa akong maisip na paraan sa ngayon kung paano sila tatalunin. Kung mayroon lang sana sa aming may kapangyarihan ng tubig, malamang mas mapapabilis ang laban.


"Handa na kami. 'Di ba guys?" saad Mark. Tumatagaktak ang pawis niya sa mukha. Alam kong may kaba ring namumutawi sa kaibuturan niya.


"oo naman," giit ni Roxette.


Nagulat ako dahil hindi ko nakikitaan ng kahit na anong takot o kaba si Roxette ngayon. Mukhang malakas ang kumpiyansa niyang matatalo ang kalaban. Ganito dapat kami.


"Huwag na tayong tumayo rito! Simulan na natin!" singhal ko. Lumakas ang loob ko sapagkat nahiya akong bigla kay Rox dahil sa positibo niyang pananaw.


"Iyan ang gusto ninyo? Pagbibigyan namin kayo," tugon ni Sheldon at dagliang nagpalit ng anyo. Kagaya noong nakasagupa namin siya sa anyong tao, ganoong pa rin ang itsura niya.


"Bakbakan na!" saad naman ni Nyon at nagpalit din ng anyo.


Mula ulo hanggang katawan, ito'y kagaya sa wangis ng isang tao. Ang pinagkaiba nga lang, mayroon siyang kaliskis ng ahas na kulay puti at dilaw. Sa ibabang parte naman niya, Ito ay malabuntot ng isang ahas na mayroon ding kaliskis na kulay puti't dilaw. Sa dulo ng kaniyang buntot, may tila ba isang patalim.


Ilang saglit pa, unti-unting sumibol sa kaniyang likod ang isang malaking pakpak na nag-aapoy. Nakamamangha ang ganda nito na para talagang pakpak ng isang phoenix.


"Fire ball!" sambit ni Sheldon at pinaulanan niya kami ng tatlong sunod-sunod na bolang apoy. Inilabas ko ang aking pakpak at lumipad para makaiwas. Nagpagulong-gulong naman si Mark sa lupa para makaiwas din.


Ayaw talagang magpatinag ni Roxette kaya tinapatan niya ito ng bolang gawa naman sa putik. Si Rox at Sheldon ang nagtatagisan ngayon.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon