Chapter 12

33.7K 1.2K 56
                                    

Morixette's POV


Hindi ko alam kung baba pa ba ako ng sasakyan o hindi na. Bakit ba ako nag-aalinlangan? Bakit ganito ang aking nararamdaman?


Oo, nasasaktan ako at hindi ko kayang makita silang nakahiga sa isang puting kahon habang pinapalibutan ng mga bulaklak at nagniningningan mga ilaw.


"Momo, bababa ako. Gusto kong makita ang labi ng mga magulang natin," bungad ni Ate Roxette nang huminto ang aming sinasakyan ilang metro lang malapit sa may gate namin.


Kita ko sa mata ni Ate ang kalungkutan na namumutawi rito. At, pagkasabik na mahagkan sila at maikulong sa kaniyang bisig ngunit hindi maaari ang nais niya.


"Ate, hindi ka pwedeng makita ng kahit sinuman doon sa loob. Alam nilang patay ka na, maging ang iba pang nandirito ay hindi nila maaaring makita. Kaya please ate, para sa ika-papayapa ng lahat..." pahayag ko.


"Anak ako, Momo! Hindi mo ako maaaring diktahan diyan sa naisin mo! Kung ikaw, kaya mong tiisin sila, ako, hindi!" anas niya.


Nagulat ako sa inasal ni Ate. Hindi ko inakalang ganoon ang kaniyang itutugon. Kung sabagay, tama naman siya. Hindi naman ako tunay na anak kaya hindi ko nararamdaman kung ano ang nararamdaman niya.


"Guys, patawarin ninyo ako sa magiging desisyon ko," turan ni Ate.


Dali-daling binuksan ni Ate ang pinto ng sasakyan doon sa likod at saka tumalon palabas.


"Roxette!" sigaw ng mga kaklase niya.


"Ate!"


Nikka's POV


Hindi ko rin masisisi si Roxette sa desisyong ginawa niya. Kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi rin ako magpapapigil sa kanila. Na-miss ko tuloy ang nanay ko.


Kagaya ni Rox, wala na rin si Nanay. Ang hirap gumising tuwing umaga tapos walang babati sa iyo ng 'magandang umaga, kain ka na anak' at wala ring nakahaing pagkain sa lamesa.


Nakakalungkot. Naalala ko tuloy noon...


Sa paglayo mo, kapakanan namin ang iniisip mo. Ako ma'y naghuhuramentado, pilit na pinipigilan ang paglisan mo.


Munting luha, dumaloy sa aking mukha. Baka hindi ka na namin makita, kapag kami'y iniwan mo na.


Naisin ko man na nandito ka lagi sa aming tabi, ayaw mo naman kaming mamulubi. Alam namin na masakit na iwanan mo kami, kaya kinikimkim mo na lang ito sa iyong sarili.


Niyakap kita nang mahigpit, na tila ba ako'y nag-aalumpihit. Sa mukha mo'y gumuguhit, kalungkutan na unti-unting sumasapit.


"Anak, ang nanay ay sasabak. Sa ibang landas ako'y tatahak, upang makaahon tayo sa pagkalagapak," pahayag mo habang kaharap mo ako.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon