Agatha's POV
Pagkababa namin sa sasakyan, kaagad ko namang itinuran kay Morx kung ano ang kaniyang dapat na gawin.
"Morx, tutal ay bahay ninyo ito, kuhanin mo na ang mga sa tingin mo'y kakailanganin natin," panimula ko.
"O-o, sige," tugon niya
.
Ewan ko ba sa kaniya, hanggang ngayon ay lutang pa rin siya.
"Huwag mong kakalimutan ang first aid kit, okay?" segunda ko pa.
"S-sige."
Halos mapakamot na lang ako sa ulo dahil sa ikinikilos niya.
"Arianne, samahan mo na si Morx," dugtong ko.
Kahit na magkandamali-mali itong babaitang ito, alam ko namang aalalay si Arianne para maisagawa ito nang ayos.
"Okay," tugon niya.
"E paano ka? Ano ang gagawin mo?" tanong ni Arianne.
Ano nga ba? Hmm...
Nagpalinga-linga ako sa paligid para makisimpatiya.
"Susundan ko si Rox sa loob," tugon ko.
Medyo maraming tao kaya hindi naman siguro ako mapapansin. At isa pa, hindi naman siguro nila ako kilala.
"Hala na, kailangan na nating magsikilos," saad ko.
"Dumaan na kayo ni Morx sa likod para mas mabilis," sambit ko kay Arianne.
Kaagad namang hinila ni Arianne si Morx at tumungo na sila sa likod ng bahay. Ako, nakatayo pa rin sa may labas ng gate at pinag-iisipan kung paanong entrada ba ang gagawin ko.
Nagsusugal ang karamihan habang nagmimiron naman ang iba. Kailangan, maging natural lang ang pagpasok ko.
Iniayos ko nang kaunti ang direksyon ng aking kulot na buhok at pinampagan ang alikabok na kumapit sa aking damit at saka dahan-dahang naglakad papasok.
Tinitingnan lang ako ng iba kapag nadaraanan ko sila. Hala, ang ganda ko talaga.
Nang makarating ako sa may pintuan, nanlaki bigla ang mata ko sa aking nakita.
Naka-tarpaulin ang mga mukha naming namayapa na.
"Oh my, naloko na..."
Roxette's POV
Hindi ko palalampasin ang araw na ito na hindi man lang makita ang labi ng aking mga magulang sa huling yugto man lang. Kahit na sinuman sa kanila, hindi mapipigilan ang pagnanais ko.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...