Chapter 32

24.4K 915 124
                                    

Ginny's POV


Kinuha ko kaagad ang cellphone sa loob ng aking bulsa at tinawagan sina Hannah para makibalita sa kanila.


Calling GEH... Iyon ang pinangalan ko sa contact ko na nangangahulugang Grace, Ethan at Hannah.


Nakatatlong dial na ako ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot. Ano naman kaya ang ginagawa ng mga iyon at mistulang abala?


Sa ika-apat na pagkakataon, sinubukan ko muling kontakin sila.


"Hello?" Laking tuwa ko nang may sumagot kahit papaano.


"Hello? Grace, ikaw ba 'to?" bungad ko.


"A-- e-- oo. Bakit ka nga pala napatawag?" aniya.


"Ha? Hindi kita maintindihan..." tugon ko. Hindi malinaw sa aking pandinig ang kaniyang sinabi dahil ang ingay sa lugar nila. Tunog ng pang-party ang naririnig ko.


"Nasaan ba kayo? Bakit ang ingay diyan?" ani ko.


Mukhang hindi maganda ang ginagawa ng dalawang ito. Ano ba ang trip nila? Nakakaasar, a.


"Grace, ang tagal mo naman diyan! Sayaw na tayo sa dance floor dali!" sigaw ni Hannah.


"Don't tell me Grace na nasa gimikan kayo?" birada ko. Napataas tuloy bigla ang kaliwa kong kilay dahil doon.


"Pasensiya na, Ginny. Bye!" aniya at saka pinatay ang tawag.


Nag-init ang ulo ko nang dahil sa kanila. Alam naman nilang hindi maganda ang sitwasiyon naming lahat pero nagawa pa nilang magsaya. Kukurutin ko talaga ang singit ng dalawang iyon kapag nakabalik kami.


Imbes na problemahin sila, napagdesisyunan kong tawagan naman si Agatha para maibalita ang nangyari sa amin at para makibalita sa kanila.


Calling Agatha...


Medyo matagal rin bago niya nasagot ang aking tawag.


"Hello, Ginny?" bungad niya.


"Agatha, I have something to tell you!" anas ko. Hindi na ako makapagpigil, gustong-gusto ko nang ihayag ang pinagdaanan namin dito.


Kahit na nilalamok ako rito, hindi ako nangangamba. Nag-off lamok ako kanina kaya hindi nila ako malalapitan ni makakagat. Hayaan silang maglaway sa binti ko.


"Ano iyon? May naganap ba?"


"Oo, nakaharap namin si Ethel... Anyong tao na siya ngayon at mas malakas. Wala kaming laban sa kaniya. Talong-talo kami!" giit ko.


Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.


Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon