Morixette's POV
Tumungo kami ni Life sa isang sulok para maging isa muli ang tatlong aklat. Hawak ko ang Alphabet at ABaKaDa habang nasa kaniya naman ang Alibata.
Huminto kami malapit sa bleachers dito sa may bandang sulok. Inaantabayanan ko lang kung ano ang sasabihin ni Life.
"Pocandi erascus," sambit niya at mayroong tila ba square na pananggalang ang bumalot sa amin.
"Sa pamamagitan nito, walang sinuman ang makakaantala sa atin," bungad ni Life. Ibinaba niya ang Alibata sa kalupaan sa may bandang kanan.
"Ilagay mo ang Alphabet sa bandang kaliwa at ang ABaKaDa naman sa may gitna para masimulan na natin ang seremonya," turan pa niya kaya agad ko naman siyang sinunod.
"Espesyal ka kaya mo nasambit noon ang mga kataga sa ABaKaDa na hindi pamilyar sa iyo ang ginamit na salita. Ngayon, sabayan mo ako sa pag-usal para maisaayos natin ang mga libro. Magpokus ka lang at huwag na huwag mong ididilat ang iyong mga mata kapag nagsimula na ang pagsasanib ng mga libro. Maliwanag ba?" paliwanag niya sa akin.
"Maliwanag po. Pero bakit hindi maaaring idilat ang mga mata kapag nabubuo na muli ang AlphaBaKaTa?" tanong ko dulot ng kuryosidad.
"Nakabubulag ang liwanag na ilalabas ng aklat habang nagpoproseso ito sa pagiging isa," paglilinaw niya.
"A, kaya po pala. Sige po, magsimula na tayo..." sambit ko.
Aaminin ko, medyo kinakabahan ako sa gagawin naming ito pero kakayanin. Alam ko namang hindi ako pababayaan ni Life at sa ngala na rin ng kapayapaan.
Itinaas ni Life ang kanan niyang kamay habang nakabuka ang kaniyang palad. Mayamaya, may puting liwanag na lumalabas dito at may mga letrang sumasabay sa indayog ng liwanag habang kumakalat sa paligid. Ang mga letra ay tila ba mayroong sariling buhay na ngayo'y nagdidikit-dikit hanggang sa may mabuong mga kataga.
"Iyan ang mga katagang iuusal natin pero dapat mong ihanda ang iyong sarili sapagkat matindi ang kapangyarihang bumabalot dito. Hindi na lingid sa akin kung ano ang maidudulot nito sa tao pero ipapaalam ko na sa iyo," aniya. Kinabahan akong bigla sa sinabi niya.
"Ano ang maaaring maidulot nito sa akin?" tanong ko.
"Raragasa ang iyong dugo... lalabas ito sa iyong ilong at mga mata. Hindi lang iyon, magiging resulta rin nito ay ang pagkalagas ng iyong buhok," paliwanag pa niya.
"Malakas ang radiation na babalot dito sa loob pero ako ang bahala sa iyo kaya wala kang dapat na ipag-alala kung iniisip mo mang mamamatay ka," dagdag pa niya.
Natameme akong bigla nang marinig ko na maaari akong makalbo. Hindi ko makita sa aking imahinasiyon na wala akong buhok, 'di bagay sa akin. Medyo nag-alangan pa ako noong una pero naisip ko na mayroon namang piluka na maaari kong gamitin pansamantala habang papatubo pa lang muli ang aking buhok.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...