Chapter 30

28.1K 954 169
                                    

Morixette's POV


Pagkababa ko sa bus, kaagad ko naman tinungo ang kinaroroonan ng dalawa kong kasama para ikonsulta ang mensaheng ibinigay ng kuwaderno.


"Mga ate, ano masasabi ninyo?" tanong ko.


Pareho silang nag-iisip at pinagninilay-nilayan ang nakasulat doon.


"Sinu-sino ba ang mga nakaligtas sa ABaKaDa?" tanong ni Ate Arianne.


"Si Janine, Padre Santiago, Jerico, Jerwel, Lola Alette at Ako," pahayag ko.


Si Janine na bulag ang kanang mata na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Ate Arianne. Natatakot ako sa magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang nangyari sa kaniyang kapatid.


Si Padre Santiago na ngayon ay comatose pa rin. Ano na kaya ang balita sa kaniya?


Si Jerico na hindi makalakad dahil sa kagagawan ng yaya nina Jerwel. Kumusta na kaya siya? Pumapasok kaya siya sa school? Miss ko na ang kolokoy na ito pero hanggang kaibigan na lang talaga.


Si Jerwel na naputulan ng isang tainga. Salamat sa pamilya niya dahil mabait ang mga ito at pinahiram nila kami ng sasakyan. Malaki rin ang utang na loob ko sa pamilya nila. Isa nga siyang tunay na kaibigan na maaasahan sa oras ng pangangailangan.


Si Lola Alette... Kahit na mas mahal niya si Ate Roxette, okay lang. Hindi naman na ako nagtanim pa ng sama ng loob sa kaniya lalo na't sa ibinulgar niyang rebelasiyon patungkol sa pagkatao ko. Nasa bahay pa kaya siya? O bumalik na ng probinsiya?


"Here sa word na nanguluntoy, sino sa kanila ang pinatutungkulan?" saad ni Ate Ginny.


"Si Jerico at Padre Santiago, siguro?" turan ko.


"OMG! Maghiwalay na lang tayo para sigurado. Pero ang masaklap, hindi namin sila kilala," segunda ni Ate Ginny na wari mo'y natataranta.


Natauhan akong bigla matapos ianalisang muli ang ibinigay ng kuwaderno. Kailangan naming magmadali!


"Guys, sa ospital tayo ngayon!" giit ko.


Padre Santiago's POV


Masaya akong naglalakad sa mayuming kapaligiran. Napakalinis ng hangin, walang polusiyon. Ang sarap nitong mabanaag sa sarili mong katawan.


Walang ibang tao ang nandito kundi ako lang. Ang sarap sa pakiramdam na wala kang iniisip na problema. Ngunit napapaisip ako minsan, paano na ang mga nalikom kong salapi mula sa taong bayan? Gagamitin ko pa naman iyon para makapagpatayo ng sarili kong bahay kapag nagretiro na ako.


Kailan kaya ako magigising? Kalooban ba ng nasa itaas na magkaganito ako? Hindi pa tapos ang misyon ko sa lupa.


Habang naglalakad ako sa damuhan, napansin kong may isang batang yagit na umiiyak sa ilalim ng isang puno. Sa tagal kong namalagi rito, ngayon ko lang siya nakita. Kawawang nilalang.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon