Lola Alette's POV
Umuwi na ako pabalik sa probinsya matapos mailibing ng aking anak at ng kaniyang asawa, maging ang aking apo na si Jaycee.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na buhay ang aking apo. Ayaw kong maniwala noong una pero nang mahawakan ko siya, nagbago ang aking pananaw. Buhay na buhay nga si Roxette.
Natuwa ako nang pumaroon siya sa burol ng kaniyang mga magulang. Ibayong pagyapos ang aking pinakawalan dulot ng pagka-miss sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano kasaya ang aking kalaooban no'ng mga panahong iyon.
Gusto ko mang itanong sa kaniya kung paano siya nabuhay gayong inilibing namin ang kaniyang katawan noon. Pero napagtanto kong hindi iyon ang panahon para usisain siya ukol doon kaya sinulit ko ang panahon na kayakap siya.
---
Nandito ako ngayon sa may palengke para mamili ng pagkain sa aming hapunan.
Bawang at sibuyas na lang ang aking kulang at maaari na akong umuwi. 'Yon nga lang, pakiramdam ko, parang may nakamasid sa akin.
Nang lumingon ako sa aking kanan, wala naman. Guni-guni ko lang siguro iyon.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang may mabangga akong isang babae.
"Ay pasensiya na po kayo," aniya at nagpatuloy na muli sa paglalakad.
Hindi ko naaninaw ang kaniyang mukha pero parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang alam kung saan siya nakita.
Nang makarating ako sa may tindahan, hindi pa rin mawaglit sa aking isipan 'yung babaeng nabangga ko na nakapulang blusa. Ang pula ng mata niya, para bang nababalot ng poot ang kaniyang aura.
"Ahm, Lola? Excuse lang po. Bibili po ba kayo?" Naputol ang aking pagmumuni-muni dahil sa pagsingit ng tindera.
"Ay oo, Ineng. Pagbilhan mo nga ako ng kalahating kilo ng sibuyas at one fourth na bawang," wika ko.
Iwinaglit ko na lang sa aking isipan ang babae kanina. Ilang saglit pa, iniabot na sa akin ng babae ang aking pinamili sabay abot ng aking bayad.
Naglalakad na ako patungo sa sakayan ng jeep nang bigla namang bumuhos ang malakas na ulan.
"Malas, ngayon ko pa nakalimutang magdala ng payong," sambit ko sa aking sarili.
Tatakbo na sana ako malapit sa isang tindahan para sumilong nang biglang may magpayong sa akin.
"Lola, magdadala kayo dapat ng payong sa tuwing aalis kayo ng bahay," saad ng babaeng nakabanggaan ko kanina.
Hindi siya makatingin sa akin, nakatingala lamang siya sa kalangitan habang magkasukob kami sa hawak niyang payong.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mistério / SuspenseAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...