Chapter 76

17.4K 688 61
                                    

Agatha's POV


Mukhang nakaisip ng taktika si Rox dahil nakangiti siya nang nakakaloko ngayon. Kinuha niya ang kaniyang sandata at inihagis sa direksiyon ng kalaban. Naiwasan naman iyon ni Scorfaye nang walang kahirap-hirap.


"Huwag mo sabihin sa aking iyon lang ang kaya mong gawin," saad ni Scorfaye.


"Wala akong sinasabi na hanggang do'n na lang," pagtataray ni Rox. Humakbang siya patalikod ng dalawang beses sabay back hand spring.


"Bakit ka lumalayo? Natatakot ka na ba?" pang-urat ng kalaban habang nakahalukipkip sa kinatatayuan.


"Hindi," matapang na sagot ni Rox. Kakaiba ang tindig niya ngayon. Para bang may gagawin siya.


Ilang saglit pa, nag-half bend sa pagtayo si Rox at inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa harap ng kaniyang mukha habang nakabuka ang kaniyang mga palad paharap sa kalaban. Kanan ang nasa itaas, kaliwa ang nasa baba. Nakayuko rin siya, medyo weird pero bilib ako kay Rox kapag gumaganiyan na ang galawan niya.


"Nagpapatawa ka ba?" ani Scorfaye habang nagpipigil ng tawa. Hindi naman siya pinapansin ni Rox dahil nakatuon lang ang kaniyang atensiyon sa hakbang na gagawin.


"Sand storm," sambit ni Rox. Humangin nang malakas dito sa loob at tila ba pinapaikutan si Rox ng ipo-ipong buhangin. Nakapikit ako nang kaunti dahil nakakapuwing. Hindi makadilat si Scorfaye at nakatakip lang si sa kaniyang mata dahil papunta sa kaniya ang bugso ng hangin na nakapupuwing.


"Tingnan natin kung paano ka didilaan nito," giit ni Rox sabay pakawala sa sand storm na ginawa niya. Nag-ala disyerto ang set-up nilang dalawa.


"Ahh!" sigaw ng kalaban na ngayong nagpapaikot-ikot sa loob ng tila ba ipo-ipo na puro buhangin sa loob.


Napa-wow ako roon. Dalawang minuto rin ang tinagal no'n kaya tiyak na nanghina ang kalaban. Bumulagta naman si Scorfaye sa sahig matapos mawala ng sand storm ni Rox. Dahan-dahan siyang tumatayo ngayon kahit medyo nahihirapan.


"Hindi pa ako tapos," pahayag ni Rox. Kamukatmukat ko, bigla siyang nag-triple front hand spring tapos cartwheel at tumalon nang mataas sa ere at nagpaikot-ikot doon habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kaniyang dibdib nang pa-ekis at naka-point ang kanang paa then naka-bend naman paharap 'yung kaliwa. Nakatingin lang sa kaniya ang kalaban matapos makatayo nito.


Pagkalapag ni Rox sa sahig, agad niyang dinampot ang sandatang inihagis kanina. Nag-egg roll siya papalapit pa sa kalaban saka inihambalos ang hawak na arnis sa beywang ni Scorfaye.


"Ahhmm," ungol ng kalaban matapos mauyot at mapaupo sa sahig. Itinutok agad ni Rox ang sandata sa leeg ng kalaban para hindi na 'to makapalag pa.


"Sumuko ka na," turan ni Rox.


"Ang tagapagbantay, hindi agad sumusuko. Lalaban kami kahit buhay pa namin ang kapalit," anas ni Scorfaye sabay wasiwas ng kaniyang biyas sa kamay ni Rox para mabitiwan nito ang kaniyang sandata.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon