Agatha's POV
Nang magising ang aming mga kasama, dumiretso na kami patungo sa bundok na kinaroroonan ng Alibata.
Napansin ko lang, iba talaga ang pag-aalala ni Roxette kay Mark. Iba talaga e kung ikukumpara ko ang level ng pag-aalala niya kay Ethan. Baka naguguluhan pa rin siya siguro o maaaring si Mark talaga ang mahal niya.
Hindi ko na inusisa pa ang bagay na iyon, magkukuwento naman si Rox kung nanaisin niya.
Habang nasa biyahe kami, tahimik naman ang lahat. Kung sabagay, kailangan naman ng sapat na lakas lalo pa't malapit na kami sa aming destinasyon. Maaaring marami pa kaming makasagupa rito na ibang nilalang.
Napadako ang tingin ko kay Aaron. Naalala kong siya ang may higit na kailangan ng pahinga gayon pa't siya na lang lagi ang nagmamaneho. Saka base rito sa paper gam, isang oras at kalahati pa ang aming tatakbuhin bago makarating sa paanan ng bundok.
"Mark, sanay kang magmaneho?" bungad ko sa aking likuran.
Nakasandal ang kaniyang ulo sa may bintana ng sasakyan at parang nakabawi naman na siya ng lakas.
"Oo naman," tugon niya. Napatango naman ako sa kaniyang isinagot.
"Maaari bang ikaw naman ang pumalit muna rito kay Aaron?" sangguni ko.
"Hindi, okay lang, Agatha. Kaya ko pa naman," singit ni Aaron. Napansin ko kasing napapapikit-pikit siya kaya kailangan niyang magpahinga.
Inayos ko ang aking pagkakaupo at tumagilid sa direksiyon ni Aaron.
"Aaron, magpahinga ka na muna. Hindi magandang pinapagod mo ang iyong katawan. Dapat nga no'ng una palang ay naghalinhinan na kayo ni Mark sa pagmamaneho e," tugon ko.
"Oo nga, Aaron. Tama si Agatha, hayaan mong ako na muna ang magmaneho at magpahinga ka na muna," pagsang-ayon ni Mark.
"Ayiee, concern si Agatha kay Aaron..." pambubuska ni Nikka.
"Magtigil ka nga, Nikka. Syempre, tao lang din naman si Aaron na napapagod," anas ko.
"Sige na, Aaron. Hayaan mo na riyan si Mark," sambit naman ni Rox. Inihinto naman ni Aaron ang sasakyan sa isang tabi.
"Thanks guys," aniya.
"Kami nga ang dapat na magpasalamat sa iyo dahil kundi dahil sa iyo, hindi tayo makararating dito," saad ko.
"At saka sa oras na tulog kami at ikaw naman ay gising, na-appreciate namin iyon kaya rest well," dugtong ko pa.
"Salamat, Agatha," turan niya at ginawaran ako ng isang ngiti.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...