Roxette's POV
Lutang na lutang ako at tila ba wala sa sarili habang namimili kami ni Agatha ng mga pagkain. Hindi niya ako makausap nang matino, tanging tango at oo lang ang itinutugon ko sa kaniya.
Pagkatapos no'n, nagyaya siya patungo sa CR, na-stressed yata sa akin. Dapat pala si Nikka na lang ang sumama sa kaniya at nagpaiwan na lang ako sa may sasakyan.
Habang nag-aayos siya sa harap ng salamin, nakatayo lang ako na parang poste sa tapat ng isang cubicle habang nagbubulay-bulay. Nakatingin lang ako sa may kisame habang pinapanuod ang mga langgam.
Nagbalik ako bigla sa wisyo nang magpakita sa amin si Joan. Mukhang ipapaalam niya na kung saan ba kami patutungo.
"Dala ko ang instrumentong makatutulong sa inyo para mahanap ang libro," bungad pa niya.
"Heto, tanggapin ninyo," aniya sabay labas ng isang papel na kasing laki lang ng sticky note ngunit ito'y kulay puti.
"Paano naman kami matutulungan niyan?" sambit ni Agatha na tila ba nag-aalangan sa ibinigay sa amin ni Joan.
Oo nga, paano kaya kami matutulungan ng papel na iyon?
"Paper gam ang tawag diyan," saad nito.
Hindi ko lubos maisip kung paano iyon gagana. May tiwala naman ako sa kaibigan ko kaya hindi ako dapat mabahala.
Iniabot ni Joan ang paper gam kay Agatha at ito'y ipinatong sa wrist ni Agatha. Napanganga akong bigla nang ito'y kumapit sa pulso ni Agatha na wari mo'y isang relo na nakapatatsulok ang p'westo.
"Omg, ang higpit ng kapit. Parang ang hirap nitong tanggalin," pahayag ni Agatha habang iwinawagwag ang kaniyang kamay.
Sa sobrang pagkamangha ko, napalapit akong bigla kay Agatha at nais ko sanang mahawakan iyon kaso nang tangkang hahawakan ko na...
"Awts!" giit ko nang ma-ground akong bigla.
"Rox, ang taong may suot lamang ng paper gam ang maaaring humawak doon. Kusang umaaksiyon iyon kapag may nagtatangkang humawak na iba," pahayag ni Joan.
Napakagat-labi ako sa sakit. Buti an lang at ground lang ang ipinataw sa akin noon kundi mahirap na.
"Huwag kang magattampo Rox kung hindi ko sa iyo ibinigay iyon. Alam naman nating lahat na si Agatha talaga ang maaasahan lagi pagdating sa pamumuno," aniya.
"Naku, wala sa akin iyon. Ano ka ba," tugon ko naman.
"Agatha, ang paper gam na ang bahala sa inyo," dagdag pa niya.
"Oo nga pala, may tatlong kulay na inilalabas iyan, pula, dilaw at at berde."
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...