Hannah's POV
Wala na akong takas ngayon kay Xiara, sigurado akong katapusan ko na.
"Malaya kang gawin kung ano ang gusto mong gawin sa akin. Alam ko namang wala akong laban sa iyo," sambit ko nang makalapit siya sa akin. Nakatayo lang siya sa aking harapan at tila iniisip kung anong pagpapahirap ba ang ipapataw niya sa akin.
"Mainam iyan, tanggap mo na ang kamatayan mo," aniya.
Tinanggal niya ang usok na gumagapos sa akin. Hudyat ito na hindi niya na ako titigilan. Hindi naman ako nagpabara-bara ng desisyon kaya nang lumapit siya sa akin, isang malakas na sipa sa kaniyang tiyan ang aking iginawad.
"Argh!" ungol ni Xiara habang namamalipit sa sakit. Para siyang uod na hindi makakiwar.
Kumaripas ako agad ng takbo matapos iyon. Kailangan kong gawin ang lahat para maisalba ang aking buhay. Hindi ako papayag na papatayin lang nila na parang baboy na kinakatay.
Napatigil ako sa pagtakbo nang bumungad sa akin si Ethel. Alam kong pipigilan niya ako pero hindi ako magpapatinag.
"Naisahan mo si Xiara do'n. Pero ako? Hindi maari," saad ni Ethel. Kinuha niya ang kaniyang payong at saka iyon itinutok sa akin.
"Igaganti ko na muna ang kapatid ko," dagdag pa niya. Agad naman niyang binuksan ang kaniyang payong. Sa isip-isip ko, maaari ko namang iwasan iyong kung balak niyang ihambalos iyon sa akin. Kaso, mali ako ng iniisip. Nagulat at nanlaki ang mata ko nang masaksihan ko ang paglutang niya sa ere gamit ang nakabukang payong.
"Damhin mo ang aking hagupit," saad niya at pinaikot ang kaniyang payong sabay pakawala patungo sa aking direksiyon. Mistulang naging malaking trumpo ang payong na tila ba balak akong itumba.
Dali-dali akong tumakbo para maiwasan iyon pero hindi ako nagtagumpay.
"Ahh!" sigaw ko. Matindi pa sa latigo ang hagupit no'n. Damang-dama ko ang sakit mula ulo hanggang paa.
Nanguluntoy na lamang akong bigla sa sahig matapos akong layuan no'n. Para akong nabaldado at hindi ko na magawa pang tumayo.
"O, ano? Nasaan na ang tapang mo ngayon?" pahayag ni Xiara na nakapameywang sa harapan ko. Naka-recover na siya sa sipa ko kanina.
Wala akong lakas para makapag-usal pa ng salita kaya binigyan ko na lamang siya ng isang nakakalokong ngiti.
"Aba, nambabanas ka pa, a? Sige, tingnan natin kung makapalag ka pa," aniya.
"Ahh!" sigaw ko nang gasakin niya ang tiyan ko nang limang beses. Dinidiin niya ang bawat pagtapak at tadyak kaya damang-dama ko ang sakit.
Hindi pa siya nakuntento, inapak-apakan niya rin ako sa mukha. Hindi ko mapigilan ang luha kong hindi tumulo, naaawa ako sa sarili ko habang siya naman ay siyang-siya sa kaniyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...