Chapter 65

19.2K 733 71
                                    

Agatha's POV


Natutuwa ako dahil isang piraso na lang ang kailangan ni Mark para makumpleto ang ikatlong talulot. Ang hinihintay na lang namin ngayon ay ang magpakita siya sa amin.


"Nagagalak ako dahil sa ipinamalas ninyong galing. Binabati ko kayo," sambit ng isang tinig. Hindi namin alam kung saan itong galing kaya nagpapalinga-linga lang kami hanggang sa matunton siya.


Kinuha ko ang aking pana sa aking likuran at itinutok ang palaso sa himpapawid. Nang makatiyempo, pinakawalan ko ito nang walang habas.


"Agatha, sino ang pinupuntirya mo do'n? Wala ka namang natamaang kalaban," ani Roxette. Bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka.


"Basta, malalaman mo rin," tugon ko.


"Fire planes," sambit ng tinig sa kawalan. Siyam na eroplanong gawa sa papel ang pasugod sa amin ngayon. Nag-aapoy ang mga ito pero hindi nasusunog. Tatlo ang patungo sa kinatatayuan ko at ganoon din kina Mark at Roxette.


Ibinuka ko ang aking pakpak at saka lumipad sa ere para makalayo sa mga ito. Gayon na lamang ang gulat ko dahil sumusunod ito sa akin. Kaya pala itong manipulahin ng huli naming kalaban. Huminto ako sa himpapawid para harapin ang mga ito.


"Feather crasher," ani ko. Sa magkabila kong palad, lumabas ang balahibo na tila kasing haba at kasing talim ng isang espada. Itinuwid ko ang aking katawan at pinagdikit ang dalawa kong paa. Itinaas ko naman ang dalawa kong kamay habang hawak-hawak ang dalawang balahibo.


Itiningala ko ang aking ulo at dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata. Dinama ko ang samyo at bulong ng hangin habang pinapakiramdaman ang unti-unting paglapit sa akin ng eroplanong papel na nag-aapoy. Nang makalkula ko na ang humidity, saka ko idinilat ang aking mga mata at isinagawa ang aking plano. Nagpaikot-ikot ako na tila isang spinning rod at sinalubong ko ang ibinato ng kalaban. Para itong mga papel na pinunit sa maliliit na piraso nang aking salubungin.


Nang makababa ako sa stadium, para itong mga confetti sa himpapawid na sumasayaw sa saliw ng hangin. Nawala na rin ang pag-aapoy ng mga 'to. Idinako ko naman ang aking atensiyon kay Roxette na nasa malupang parte.


Nakaupo siya roon habang nakatukod ang kanan niyang tuhod. Ang kaniyang arnis ay nakabaon sa magkabila niyang gilid. May inusal siyang salita at mula sa likuran niya'y lumabas ang bolang putik na kasing laki ng kamao.


Nang ituon niya ang kaniyang kanang kamay sa paparating na eroplanong papel, doon nagsisuguran ang bolang putik niya. Nang matingki ng mga ito ang eroplanong papel, tila ba naging liquid ang bolang putik at ito'y kumapit sa eroplanong papel kaya nawala ng apoy na bumabalot dito. Naging hilong talilong ang mga 'to at unti-unting bumagsak sa sahig. Gumagaling na si Rox at alam na niya kung paano gamitin ang kaniyang kapangyarihan.


Si Mark naman, ginamitan niya ng usok ang tatlong eroplano para magkalabo-labo. Matapos iyon, ginamit niya ang kapangyarihan ni Nyon para mapatalim ang kaniyang espada saka ito pinaghihiwa. Para lang siyang batang naglalaro.


Halatang sinusubukan lang kami ng ika-limang ahas para malaman niya kung hanggang saan ba ang kakayahan namin.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon