Chapter 4

38.7K 1.5K 485
                                    

Morixette's POV


Wala kaming masakyang tatlo dahil madilim pa rin. Naglalakad pa rin kaming tatlo na wari mo'y nakikiayon na lang sa kung saan kami dadalhin ng aming mga paa.


Umihip nang malakas ang hangin na nagdulot ng kilabot sa amin. Hindi ito ordinaryong lamig na mararamdaman ng isang tao, alam kong may nakasunod at nagmamatiyag sa amin.


"Morixette, huwag mo na lang iyong pansinin, magdirediretso ka na lang sa paglalakad," bungad ni Agatha.


Bilib ako sa kaniya sapagkat ang lakas ng kaniyang loob. Matapang siyang babae, kahanga-hanga,


"Opo," tugon ko.


Nagpatuloy na kaming muli sa paglalakad kahit na mayroong sumusunod sa likuran namin. Pareho silang kampante ni Aaron na naglalakad habang ako'y hindi mapakali. Gusto kong lingunin ang sinumang nakasunod sa likuran namin.


Napatalikda akong bigla nang huminto ang dalawa sa paglalakad.


"Bakit kayo huminto?" tanong ko.


Nasa harapan ko sila at hindi man lang sila lumilingon sa akin.


"Ipikit mo ang iyong mga mata, Morixette..." turan ni Aaron.


"At huwag kang lilingon..." dugtong naman ni Agatha.


Hindi ko alam kung susundin ko ba sila. Hindi naman nila ako siguro ipapahamak, at hindi ako hahayaan ni Ate na sumama sa kanila kung hindi sila mapagkakatiwalaan kaya sumunod na lamang ako.


Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinarama ang kakaibang hangin na lumulukob sa akin.


"Kumusta ka na? Miss na miss na kita. Sana, kahit wala na ako sa tabi mo, maging masaya ka pa rin."


"Huwag mong ikulong ang sarili mo sa kalungkutan. Balang araw, magkikita rin tayo, i-enjoy mo lang ang buhay mo habang ika'y nabubuhay."


"Tandaan mo, ako ang guardian angel mo..."


Isang kintil na halik ng hangin sa aking pisngi ang aking nadama bago tuluyang nawala ang malamig na hanging nakasunod sa amin.


Hindi ko napigilang hindi tumulo ang kanina pang namumuong luha habang naglilitaniya siya't nakapikit ako. Damang-dama ko ang presensiya niya kahit wala na siya.


I still love him, my baby Charlie...


"Okay ka na?" bungad ni Agatha nang imulat ko ang aking mga mata.


Isang tango lamang ang naitugon ko habang nagpupunas ng luha.


Niyakap ako ni Agatha bilang pang-aalo niya.


"Alam ba ng ate mo na nagkaroon ka ng boyfriend?" bulong niya.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon