Chapter 6

36.8K 1.4K 215
                                    

Morixette's POV


Naglakad na kami papasok sa loob ng subdivision patungo sa bahay nila Jerwel. Okay ng maglakad sa umaga, exercise na rin. No choice naman kami kaya go lang nang go.


Makalipas ang sampung minutong paglalakad, nakarating din kami sa tapat ng gate nila.


"Syaks, napagod ako roon!" anas ni Agatha at lumupasay sa may sahig.


Pinagpawisan at hingal na hingal kami sa malayo-layong paglalakad. Idagdag pa ang uhaw na aming nararamdaman.


Pinindot ko na ang door bell habang inhale-exhale naman ang ginagawa ng dalawa.


"Ding dong!"


"Syet, tuyo na ang lalamunan ko!" reklamo ni Agatha habang nagmumuryot sa kaniyang kinalulugdan.


"Agatha, tiis lang," ani Aaron na nagpupunas ng pawis.


"Ding dong!"


Nakadalawang pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto ni sumagot man lang.


"Guys, kaunting tiis pa, tulog pa yata ang mga tao rito maging ang kasambahay nila," bungad ko.


"Okay lang, sanay naman akong maghintay kaya masanay na rin kayo," segunda ni Aaron.


"Aba, Aaron, hugot ba 'to?" saad ni Agatha na wari mo'y nagsa-sun bathing sa kalsada ng subdivision. Paano ba naman, nakapikit siya't nakatingala pa.


"Witwew!" pito ng lalaking nakabisikleta na nagtitinda yata ng pandesal dito sa subdivision.


Napaalumpihit ako ng tawa sapagkat nakatitig ito kay Agatha.


"Bastos!" madiin na sambit Agatha sabay tayo.


Kinindatan pa siya no'ng lalaki bago tuluyang makalayo sa amin.


"Agatha, ikaw na talaga! Haha!" pambubuska rito ni Aaron.


"Tse!" giit nito sabay ismid kay aaron at humalukipkip pa.


Isa lang ang masasabi ko, malakas talaga ang karisma ni Agatha sa matatanda. Hahaha!


Mayamaya pa, may lalaking nagbukas ng gate.


"Magandang umaga sa inyo!" bungad nito sa amin.


"Magandang umaga rin po!" bati ko naman.


Nag-ayos-ayos na ng kaniya-kaniyang itsura ang dalawa at tumungo na sila sa likuran ko. Para silang nanalo dahil sa todo ngiti pa sila.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon