Chapter 5

38.7K 1.5K 330
                                    

Morixette's POV


Pumasok kami sa loob ng guard house. Hindi naman ito kalakihan, mga kasing laki ito ng silid-aralan base sa tantiya ko.


Pagpasok namin, okay naman ang loob. Kulay puti ang pintura ng dingding, maayos na nakahimaymay ang mga upuan at mayroon ding lamesa. Mayroon din silang lababo na hindi naman kalakihan.


Malinis ang loob, wala kang makikitang kalat. Halatang masipag si Manong.


"Kung gusto niyong magkape, magtimpla na lang kayo riyan. Nandiyan naman na sa may lamesa ang tubig na mainit," ani Manong guard.


"Nakakahiya naman po sa inyo, dagdag abala pa po tuloy kami," turan ko habang nagkakamot ng ulo.


'Yung dalawa kong kasama, hindi umiimik. Wari mo'y nakikisimpatiya.


"Wala iyon sa akin. Diyan muna kayo, marami pa akong aasikasuhin," sambit ni Manong bago tuluyang lumabas.


Nang makalabas na si Manong, tumungo na kami sa may lamesa at naupo sa may upuan.


"Ang bait ni Manong 'no? Siguro kung ibang gwardiya iyan, itinaboy na tayo," panimula ko.


"Tama ka riyan, Morixette," pagsang-ayon naman ni Agatha.


"Sus, kaya lang iyon mabait sa atin kasi kinindatan nitong si Agatha. Haha!" pambubuska ni Aaron.


"Jusko, kilabutan ka nga, Aaron!" giit ni Agatha sabay ikot ng kaniyang mga mata mga 360 degree.


Nagtawanan na lamang kaming tatlo.


Sa totoo niyan, kanina pa talaga ako gutom na gutom. Wala pa akong kinakain simula kahapon. Nauuhaw na rin ako kaya napagdesisyunan kong magtimpla na lang ng kape.


Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Aaron.


"Saan ka pupunta? Magtitimpla ka ng kape?" tanong niya habang nakahawak sa aking bisig.


Para bang may kakaibang boltahe na dumaloy sa aking katawan nang dahil lang sa pagkakahawak niya sa akin. Gosh, bakit bumilis na naman ang tibok ng puso ko?


"A-a e-e o-oo s-sana..." utal kong sagot.


"Maupo ka na riyan, ako na lang ang magtitimpla ng kape nating tatlo," aniya sabay tayo.


"Sweet naman ni bebe boy," segunda naman ni Agatha.


"Sus," tugon ni Aaron.


Naupo na lang ako sa upuan ko nang hindi umiimik.


"Ano bang gusto niyo? Matamis o matapang?" tanong niya habang kumukuha ng baso sa may lalagyanan.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon