Janine's POV
Sabi ni Ate, huwag daw akong lalabas dito sa loob ng kabinet. Nanginginig ako sa takot kasi hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya at doon sa kaibigan niya. Ang tagal ko na rito sa loob pero hindi pa rin siya bumabalik.
Kinakabahan ako. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Ang init pa rito sa loob kaya hulas na hulas ako dulot ng pawis. Lalabas na sana ako kaso narinig ko ang mga sigawan sa ibaba. 'Yung sigaw na para bang humihingi ng tulong kaya lalo akong kinabahan.
Mas lalo akong natakot nang may marinig akong yabag na nag-iikot dito sa loob ng kuwarto. Hindi ko alam kung sino iyon pero kung si Ate Arianne iyon, tiyak na alamn niya kung nasaan ako.
Ipinikit ko ang aking mga mata at medyo nagpipigil ako sa paghingi kasi baka masamang tao ang nandito ngayon.
"Aw! Aw!"
Napadilat ako kaagad kasi may narinig akong tahol ng aso. Ang cute ng tahol, kaya feeling ko, cute rin 'yung aso. Nawala na rin 'yung parang may naglalakad kaya naglakas-loob na ako.
Bahagya kong binuksan ang pintuan ng kabinet at sinilip kung tama nga ako. Napangiti ako nang malaki saka nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang isang aso na maliit, 'yung mabalahibo. Kulay itim ito at nakaupo sa ibabaw ng kama.
Dali-dali akong lumabas sa pinagtataguan ko para puntahan 'yung aso.
"Ang cute cute mo naman!" sabi ko sa aso habang naglalakad papalapit dito.
"Aw! Aw!" tahol nito.
Naalala ko 'yung kaklase ko noon. Dinala ng yaya niya ang aso niya sa school noong sinundo siya. Iniinggit pa nga niya kami kasi mahal daw ang aso na gano'n at hindi namin kayang bumili.
Ang mas kinainisan ko pa sa kaniya e 'yung sabihin niya sa amin na mas masarap pa ang pagkain ng aso niya kaysa sa kinakain namin sa bahay. Masyado siyang mayabang! Mabuti na nga lang at tinuruan ako ni Ate na huwag ko na lang patulan ang mga ganoong tao. Kaya magmula noon, hindi ko na pinapansin ang kaklase kong iyon.
Umakyat ako sa ibabaw ng kama ngayon at hinimas-himas ko ang ulo at katawan ng aso. Ang cute cute niya talaga!
"Ako nga pala si Janine. Ikaw? Ano ang pangalan mo?" magiliw kong tanong.
"Helga..." sagot no'ng aso.
Nanlaki ang mata ko dahil nagsalita bigla ang aso. Lumayo ako nang kaunti sa kaniya nang dahil sa pagtataka.
"Kumusta ka na, Janine? Hindi mo na ba ako naaalala?" sabi ng aso sabay ngiti sa akin.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaya bumaba ako sa ibabaw ng kama para makalayo sa kaniya.
"Sino ka? Hindi ka totoong aso..." sabi ko. Nanginginig ang buo kong katawan dulot ng takot.
Mayamaya, biglang naging usok na itim 'yung aso at unti-unting nabubuo ang pigura ng isang tao. Isang babaeng nakaitim na nakasuot na parang kapang itim ang bumungad sa akin.
Napatakip akong bigla sa aking biibg nang makilala ko siya dahil sa titig pa lang ng kaniyang mga mata.
"Ahh!" sigaw ko nang makilala ko siya. Dali-dali siyang lumapit sa akin at tinakpan ang aking bibig.
Arianne's POV
Naaawa ako kay Jerwel dahil hindi ko siya nagawang tulungan. Hinayaan ako ni Ethel na panuorin ang pagpapahirap na ginawa ni Xiara dito.
Huli na ang lahat, tuluyan nang tinuldukan ni Xiara ang buhay nito.
"Walang hiya ka talaga, Xiara!" sigaw ko habang pinapagpag niya ang kaniyang kamay.
"Susunod ka rin naman sa kaniya, Arianne..." tugon niya.
Nanggigigil ako sa galit! Gusto ko silang pahirapan ni Ethel sa aking isipan pero hindi ko magagawa iyon sapagkat wala akong laban sa kanilang dalawa.
Nakarinig akong bigla na mayroong bumababa muli sa may hagdan at kasabay noon ay ang paghikbi ng isang bata.
"Janine!" sigaw ko matapos nilang makarating sa huling baitang ng hagdan.
Nakayapos si Helga sa beywang ng aking kapatid gamit ang kaniyang kaliwang kamay habang ang kanan naman ay nakatakip sa bibig ng aking kapatid na walang tigil sa paghikbi.
"Huwag ninyong idamay ang kapatid ko! Ako na lang ang magsasakripisyo, pakawalan n'yo lang siya!" giit ko.
Sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong maria dahil sa aking isinambit. Ibinaba naman na ni helga si Janine nang makarating sila sa may sala. Ngunti gayon pa man, hawak-hawak naman niya ito ngayon sa braso. Kita ko sa mukha ng aking kapatid ang ibayong takot.
"Wala ka nang magagawa pa, Arianne. Kahit na anong pagmamakaawa pa ang gawin mo, hindi na kayo makatatakas pa sa amin," saad ni Helga.
Nasa likuran ko lang si Ethel kaya kahit na anong hakbang ang isagawa ko'y kayang-kaya niyang palagan. Nasa may bukana naman ng kusina si Xiara at nakahalukipkip lang. Tila nag-aabang sa kung ano ang magaganap.
Alam ko sa sarili ko na wala kaming laban ng kapatid ko sa kanilang tatlo. Himala na lang ang kailangan namin para makatakas sa kanila.
"Xiara, magpakulo ka nga ng mantika. Punuin mo ang isang kawali, a?" ani Helga.
"Tiyakin mong mainit na mainit iyan at kulong-kulo para mas maganda ang show mamaya," dugtong pa niya. Sumunod naman si Xiara dito.
"Helga, ako na lang please? Inosente iyang kapatid ko kaya huwag mo na siyang idamay rito," sambit ko.
Hindi niya ako pinakinggan. May inilabas siya sa kaniyang bulsa at sinulatan niya ng letra ang noo ng kapatid ko gamit ang itim na lipstick na hawak niya. Letter O, iyon ang isinulat niya roon.
Lumuhod ako sa sahig para sa labis na pagmamakaawa. Hindi ko kakayanin na makita ang kapatid kong naghihirap sa kamay ng tatlong maria. Kailangan, may gawin ako para mailigtas siya.
"Please, Helga! Gagawin ko ang lahat pakawalan mo lang ang kapatid ko!" pagsusumamo ko.
"Talaga? Talagang-talaga?" pang-uurat niya.
"Oo, kahit buhay ko pa ang kapalit..." saad ko.
Palakasan na lang ng loob ito. Para sa kapatid ko, itataya ko ang buhay ko...
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...