Mark's POV
Napapaligiran ako ng kulay kahel na usok na ito kaya hindi ko alam kung nasaan ang kalaban. Maski si Agatha'y 'di ko makita.
Mayamaya, nagpakita na rin sa akin si Aila. Nakaanyong tao na siya pero makaliskis pa rin ang kaniyang balat. Nakalugay ang kaniyang buhok na lagpas sa balikat.
"Ahh!" sigaw ni Agatha na bumagsak sa lupa sa bandang kaliwa ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Lumapag na rin si Kaleb na nakaanyong tao na rin.
Kagaya rin sa mga taong ahas ang balat at itsura niya. 'Yon nga lang, kulay itim lang ang kaliskis niya. Si Aila naman, kulang puti lang.
Nilapitan ko si Agatha para itayo siya. Siya lang ang makagagawa ng paraan para matanggal ang usok na pumapaligid sa amin.
"Ano ang plano mo ngayon?" bulong ko kay Agatha.
Napuruhan ang kaniyang kanang braso kaya medyo hirap siya ngayon. Nabanaag ko sa kaniyang mukha na iniinda niya ang sakit. Kailangan talaga naming malaman ang kahinaan ng dalawang kalaban namin.
"Ano? Kaya pa ba?" bungad ni Kaleb habang nakaalalay ako kay Agatha.
Ilang saglit pa, nagliwanag ang paper gam. Gayon din ang mata ni Agatha na naglalabas ng kulay lilang liwanag. Para bang binibigyan ng paper gam si Agatha ng kaunting lakas dahil may nararamdaman akong kakaibang enerhiya.
"Tapusin na natin sila Kaleb hangga't maaari," ani Aila.
"Babawi kami. Hindi kami papayag na masayang ang lahat ng aming pinaghirapan," sambit ni Agatha.
Nandoon pa rin ang mga sugat at galos niya sa katawan pero naka-recover siya at nakabawi ng lakas. Malaking tulong din talaga ang paper gam.
"Oras na para tanggalin ang usok. Mark, alam mo na ang gagawin mo," aniya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Samantala, nakatayo lang sina Aila at Kaleb sampung hakbang mula sa kinatatayuan namin. Mukhang inaabangan nila kung ano ang aming gagawin.
Gamit ang aking hintuturo sa kanang kamay, isinulat ko ang letrang N para magamit ang kapangyarihan ni Nyon. Walang mintis ko naman itong nagamit at sumibol mula sa aking likod ang nag-aapoy niyang pakpak. Ikinampay ko ito para maitaboy palayo ang nakapaligid na usok.
"Agatha, ngayon na!" sigaw ko.
"Air gun!" aniya. Nakamuwestra ang dalawa niyang kamay na parang baril at sa magkabila niyang hintuturo ay may namumuong kakaibang hangin. Lumipad ako paitaas nang pakawalan niya iyon at pinatamaan ang dalawang kalaban.
"Ahh!" sigaw nila matapos nilang hindi iyon iwasan kaya napatumba sila.
Bumaba ako sa lupa at nakipag-apir kay Agatha. Nanlaki ang mata namin matapos makitang unti-unting tumatayo ang mga kalaban na mistulang hindi man lang nasaktan.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mistério / SuspenseAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...