Chapter 49

22.5K 820 110
                                    

Agatha's POV


Hindi ko maipaliwanag ang sayang namumutawi sa aking puso ngayon. Hindi ko inakalang ako ang isa sa susi dahil sa pagliliwanag ng aking sandata.


Nais ko mang tanggalin sa aking isipan na maaaring huwad lamang ang pagliliwanag na nagaganap sa aking sandata pero sa tuwing naiisip ko na ganito rin ang nangyari noon sa sandta ni Roxette, napapatikim na lamang ako ng bibig.


Ayaw kong ipahiya ang grupo kaya kailangan kong makuha ang talulot na iyon lalo pa't kakailanganin namin ito upang magamit namin ang aming alas laban sa kasamaan.


"Damhin ninyo ang hinaing ng isang halimaw!" giit ng kanilang pinuno at saka ikinampay ang kaniyang pakpak upang lumutang sa ere.


"Sonic scream," aniya at sumigaw siya nang pagkalakas-lakas. Tila ba may wave na pabilog ang tumutungo sa direksiyon namin habang napapakinggan namin iyon.


Kaming lima ay lubos na nabibinggi sa lakas ng sigaw na iyon. Hindi kami makagalaw sa aming kinatatayuan at tila ba nanghihina kami. Napaluhod kaming halos habang nakatakip sa aming mga tainga. Ilang saglit pa, tumigil siyang bigla.


"Mga alagad, sniper claw!" utos niya at mabilis pa sa alas kuwatro nagsisulputan ang kaniyang mga alagad sa harapan ng aking mga kasama at isa-isa nilang hinagupit gamit ang kanilang kuko ang aking mga kasama. Wala silang magawa upang lumaban sapagkat nanghihina kaming lahat.


Mayamaya, bigla namang sumulpot sa aking harapan ang babaeng pinuno saka ako ginawaran ng isang kalmot sa aking kanang braso.


"Aaaa!" halinghing ko matapos niya akong masugatan. Nakaupo pa rin ako habang nakatayo siya sa aking harapan.


"Iyan ang kapangyarihan ng aking sonic scream. Habang nabibingi kayo sa lakas ng aking sigaw, unti-unti nitong kinukuha ang inyong mga lakas at ito'y napupunta sa akin," pahayag niya habang nakatutok sa akin ang kaniyang kamay na may nagtutulisang mga kuko.


"Ilibot mo ang iyong mga mata sa paligid. Pagmasdan mo ang iyong mga kasama na nanlulupaypay dahil sa kakulangan ng enerhiya. Idagdag mo na rito ang mga galos na kanilang natamo mula sa aking alagad..." nakapameywang niyang paglilitaniya.


Naawa ako sa aking mga kasama nang makita ko ang kanilang mga galos at kalmot mula sa pisngi, braso, katawan, hita, binti at sa iba pang parte ng kanilang mga katawan. Pinagtatawanan lang sila ng mga alagad nitong bruhang 'to habang tumutulo pa ang kanilang mga laway.


"Aaaa!" sigaw ko matapos hatakin ng babaeng 'to ang aking buhok.


"Ikaw na kaya ang unahin kong patayin? Kita mong kanina pa naglalaway ang aking mga alagad," bulong niya sa aking tainga.


"Kung kaya mo," malamlam kong sagot sabay amba ng aking sipa mula sa kaniyang likuran ngunit ito'y kaniyang naiwasan matapos lumipad nang mabilis papaitaas.


Medyo nagkakaroon na ako ng lakas ngunit hindi pa rin ito sapat. Napadako ang aking tingin sa isang bulaklakna sumasayaw sa saliw at hagod ng hangin. May naisip akong ideya nang dahil doon.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon