Jerico's POV
Medyo okay naman na ang sugat ko sa paa. Nakalalakad naman ako nang kaunti kapag nakasaklay, iyon nga lang medyo pahirapan pa rin. Salamat pa rin sa tulong ng wheelchair.
Iniiwan ako nila tito at tita rito sa bahay dahil kaya ko naman na ang sarili ko. Gusto pa sanang dalawin ako rito ni Mama dahil alalang-alala siya sa akin pero sabi ko huwag na.
Mahal din ang pamasahe patungo rito, mas mainam pang gamitin na lang nila ang perang iyon sa pang-araw-araw nila. Nakahihiya nga kina tito't tita dahil sila ang gumastos sa lahat ng bayarin sa ospital at maging sa pangtustos sa kalagayan ko ngayon. Balang araw, masusuklian ko rin ang kabutihan nila sa akin, sa amin.
Ilang linggo na rin akong hindi nakapapasok sa eskwelahan, marami na tuloyakong na-miss na aralin. Mabuti na nga lang at excuse ako. Ang bilis nga ng araw, matagal ko na ring hindi nakikita si Morixette. Akala ko nga'y may pagasa na ako sa kaniya ngayon pa't wala na akong kahati sa puso niya. Iyon pala, hanggang kaibigan lang talaga.
Nakatatawa dahil patuloy akong umaasa kahit alam kong wala naman akong tiyansa sa puso niya. Na-infatuate nga lang talaga siya sa akin...
Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Mamaya pa ang uwi nila tito at tita. Kaya para hindi ako mabugnot dito sa may sala, gumagawa ako ng mga sulatin na gusto kong sabihin kay Morixette. Nagpabili ako kay tito ng lobo na mga labingtatlo, doon ko ilalagay ang isusulat ko.
Panghuling sulat na ang gagawin ko ngayon, tapos mamaya ay papalobohin ko na ang mga lobo para bukas ay maipadala ang mga ito sa bahay nila Jerwel. Masaya nga ako nang tumawag sa akin si Jerwel kanina at ipinaalam na nasa kanila raw si Morixette. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko no'n sa sobrang tuwa.
Alam ko namang naaalibadbaran na sa akin si Morixette dahil hindi ko pa rin siya tinitigilan. Pero heto na ang huling pagkakataon, matapos kong maibigay sa kaniya ang lobong naglalaman ng mga gusto kong sabihin, okay na. Malaya na siya.
Nang maisulat ko ang huli kong sasabihin sa kaniya, kinuha ko ang mga lobo sa aking gilid at sinimulan nang lagyan ng hangin.
Makalipas ang ilang minuto, natapos din ako. Nailagay ko na rin ang mga sulat na nakarolyo sa loob ng lobo. Ilang saglit pa, bigla namang tumunog ang cellphone ko. Pinaandar ko kaagad ang wheelchair para tumungo roon. Pagkarating ko sa bukana ng aking silid, isang babaeng nakasuot ng itim na kapa at blusa ang tumambad sa akin. Nakatayo siya sa kanang bahagi ng aking higaan habang tangan-tangan ang tumutunog kong cellphone.
"Siya ba? Siya ba ang pinag-aaksayahan mo ng oras at panahon?" bungad niya sabay harap sa akin ng screen nito. Laking gulat ko nang makita ko ang pangalan doon ni Morixette. Ano ang kailangan niya at bigla siyang napatawag?
Pinaandar ko ang wheelchair para makapasok sa loob ng aking silid. Kasabay nito, bigla namang nagsara nang pagkalakas-lakas ang aking pinto.
"Sino ka? Ano ang kailanagn mo sa akin?" pahayag ko. Batid ko ang paglakas ng hangin dito sa loob ng aking silid kahit nakasarado ang mga bintana. Ang lakas ng presensiya ng babaeng ito, maging ang aking mga balahibo sa katawan ay nakatingaro. Bumilis din ang tibok ng aking puso na wari mo'y ako'ykinakabahan. Para bang pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...