Roxette's POV
"Polv nyere!" sambit ko habang nakalutang sila sa ere. Ginamit ko sa kanila ang aking kapangyarihan para gawin silang bato ngunit nabigo ako.
Sila'y mga namaluktot sa himpapawid at ginamit nila ang kanilang pakpak upang takpan nila ang kanilang sarili. Nagtataka ako kung bakit hindi umipekto ang polv nyere sa kanila.
"Kaya naming patigasin na parang bakal ang aming mga pakpak kaya hindi sa amin gumana ang iyong kapangyarihan," sambit ng isang halimaw.
Nakalutang sila habang nakapalibot sa akin. Hindi ko alam kung anong taktika ang aking gagamitin para matalo sila. Isa pa, nakatali pa rin ang aking mga kasama. Kailangan ko silang mapakawalan.
"Roxette, tandaan mo na isa ka sa susi para mabuksan ang Alibata. Isipin mo kung paano ka matutulungan ng talulot," mungkahi ni Agatha. Kahit kailan talaga, maaasahan siya. Bilib na ako sa kaniya, tama lang si Joan na siya ang maging lider namin.
"Salamat, Agatha..." sambit ko. Nang dahil sa sinabi ni Agatha, nagkaroon ako ng kuro-kuro sa aking isipan. Hindi naman siguro masama kung aking susubukan.
Umupo ako sa aking kinatitirikan habang nakatukod ang aking kanang binti. Iniunat ko ang aking braso sa magkabilang gilid habang tangan-tangan ang aking sandata. Pumikit ako at pinakiramdaman ang lupa.
"Mga kasama, ano sa tingin ninyo ang ginagawa ng babaeng 'to?" wika ng isang kalaban.
"Hindi ko rin alam. Maging alerto na lang muna tayo sa ngayon kung sakali mang umatake siya," tugon naman rito ng isa nilang kasama.
"Ngayon na," sambit ko sa aking isipan makalipas ang ilang sandali.
"Thorn soil!" saad ko. Nararamdaman ko na ang pagyanig ng lupa kaya alam kong papalabas na ang mga ito. Tumayo ako para sa nalalapit kong pagsugod.
Naalarma naman bigla ang mga kalaban kaya tumaas sila nang kaunti ng lipad. Tila nag-aabang sa aking gagawin.
"Ngayon na," pahayag ko saka bumwelo papatalon saka itinukod ang aking arnis sa may lupa.
Sabay-sabay na nagsiahunan sa ilalim ng lupa ang tila ba tinik na gawa sa pinatigas na lupa at sunod-sunod na nagsiangatan papaitaas patungo sa direksiyon ng mga kalaban.
"Metal wing," asik ng mga kalaban at ginamit nila ang kanilang pakpak para maprotektahan ang sarili. Ginaya ko lang ang taktika ng pinuno ng mga taong putik at hindi naman ako nabigo. Pinadako ko ang ilan dito sa direksiyon ng aking mga kaibigan para putulin ang tali nila sa kamay.
"Aaaa!" sigaw nila nang sabay-sabay habang mabilis na bumabagsak papaibaba.
Itinutok ko ang aking kanang kaliwang kamay sa may lupa na pagbabagsakan nila at ito'y aking pinalambot na parang bulak upang hindi sila masaktak sa kanilang pagkakabagsak.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Misterio / SuspensoAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...