Agatha's POV
Napatakbo kaming apat papalapit kay Nikka nang sapitin niya ang bangis ng thorn soil ng kalaban. Naaawa ako sa kalagayan niya na para bang binayubay.
"Huwag kayong mag-alala sa kaibigan ninyo, hindi siya malalagutan ng hininga," ani ng pinuno ng mga putik. Nakahalukipkip lamang siya sa kaniyang kinatatayuan.
Gigil na gigil kaming apat. Hindi namin magawang magtimpi dahil sa ginawa niya kay Nikka. Isa pa, masyado niya kaming minamaliit kaya nakaiinis.
Napapungay bigla ang aking mga mata nang makita ko na naman na nagliliwanag ang kaniyang noo nang dahil sa bagay na nandoroon. Hindi ako matahimik nang dahil batid kong may something e.
"Hindi tayo puwedeng magpatalo sa kaniya. Oo, malakas siya pero tiyak na mas malakas pa ang mga susunod na makahaharap natin," sambit ni Mark.
"Tama ka, Mark. Mababalewala ang pagpunta natin dito kung matatalo lang tayo," pagsang-ayon naman ni Aaron.
"You have a point guys," ani ko.
Tumayo ako at tumindig. Hindi kami dapat magpagapi sa kalaban. May paraan pa para manalo.
"Rox, dalhin mo muna sa may gilid si Nikka at bantayan mo siya. Kami munang tatlo ang bahala rito," saad ko.
Kaagad naman na tumalima si Roxette sa aking tinuran. Inalalayan niya si Nikka patayo para madala sa may gilid.
"Sabihan mo lang ako Agatha kung ano ang maaari kong maitulong," aniya. Isang tango lamang ang itinugon ko bago kami muling humarap sa kalaban.
Gayon na lamang ang pagtataka dahil wala nang muli ang liwanag sa noo ng pinuno. Iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon para makapagpokus na sa laban.
"Humanda na kayo, tiyak na susugod na muli siya," ani ko sa dalawa kong kasama saka kami pumuwesto sa pakikipaglaban.
Ipinusisyon ng kalaban ang kaniyang dalawang paa nang 180 degrees. Ang braso niya ay naka-bend paharap habang ang dalawa niyang kamay ay kaniyang ipinuwesto sa magkabila niyang sentido at nakabuwa ang mga palad.
Napangiwi ako nang aking masaksihan ang pamumuo ng putik na hugis bola sa ibabaw ng kaniyang ulo. Maaaring heto rin ang technique na ginamit sa amin ng kaniyang alagad.
"Susugod na siya anytime kaya alert guys," giit ko.
"Uunahan ko na siya," anas ni Mark at bigla siyang sumugod papalapit sa kalaban.
"Maghinay-hinay ka!" sigaw ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mark at bigla siyang sumugod nang ganoon.
Tumayo muna kami rito ni Aaron upang panuorin ang mangyayari. Hindi lang panunuod ang dapat kong gawin, kailangan ko ring mag-obserba.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...