Chapter 68

17.7K 696 112
                                    

Morixette's POV


Nanlulumo ako nang makarating kami ni Ate Ginny sa may rest house. Napaupo na lamang ako sa may sofa habang si Ate Ginny naman ay nakatayo lang habang sapo-sapo ang kaniyang ulo. Itinago ko na muna ang ABaKaDa sa loob ng aking bag.


Pareho kaming nanghihinayang dahil sa pagsasakripisyong ginawa ni Ate Arianne. Nakapatay ang ilaw dito sa may sala at tanging sinag lang mula sa buwan ang nagbibigay tanglaw sa amin.


Akmang tatayo na ako para lapitan si Ate Ginny nang biglang bumukas ang ilaw.


"Ma'am Ginny? Morixette?" sambit ni Eder. Nakatayo siya malapit sa pindutan ng ilaw habang kinukusot-kusot ang kaniyang mata.


"Kami nga," malumanay kong tugon. Naglakad siya papalapit sa amin.


"Mabuti na lang at nandito na kayo," aniya. Nagulat ako at tila ba nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin. Muli ko na namang nahawakan ang likod at braso niya.


Ang ganda talaga ng hubog ng kaniyang katawan. Mantakin mo pang nakasando lang siya kaya nadaupa ko ang kaniyang balat. Ilang saglit pa, kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at tumungo kay Ate Ginny at niyakap din ito.


Medyo nabitin ako do'n pero p'wede na. Bakas naman sa mukha ni Ate Ginny ang matamlay na ekspresiyon. Para siyang sundalong hindi mangiti.


"Kumusta na kayo rito?" tanong ni Ate Ginny matapos kumalas sa kanilang yakapan.


"Okay naman po kami rito, Ma'am. Wala naman pong masamang nangyari. Maliban na lang po kay Sir Ethan," pahayag ni Eder.


"Anong nangyari kay Kuya Ethan?" naghuhuramentado kong tugon. Nag-aalala ako para sa boyfriend ng ate ko.


Hindi kaagad nagsalita si Eder. Bagkus, minabuti niya na lang na yumuko at umiling-iling.


"Don't tell me na..." hindi na natuloy pa ni Ate Ginny ang kaniyang sasabihin dahil sumingit ako.


"Hindi maaaring mamatay si Kuya Ethan!" giit ko.


"Mahunos-dili ka, Morx. Hayaan muna nating magpaliwanag si Eder," saad ni Ate Ginny. Kinalma ko ang aking sarili para makinig sa ikukuwento ni Eder. Minabuti naming tatlo na maupo muna.


Tumayo rin naman agad si Eder at tumungo sa kusina. Ilang saglit pa, bumalik siya sa amin na may dalang isang pitsel ng tubig at dalawang baso.


"Uminom na muna kayo. Mukhang napagod kasi kayo sa biyahe," bungad niya pagkalapit sa amin.


Kung alam niya lang na hindi kami bumiyahe patungo rito... At kung alam niya lang kung ano ang mga pinagdaanan namin... Hay, kailangan talaga namin ang tubig para mahimasmasan ang aming pakiramdam.


Hindi na kami nagdalawang-isip pa ni Ate Ginny at minabuti na muna naming uminom ng tubig. Lagok lang ako nang lagok, refreshing sa pakiramdam. Mayamaya pa, nagsimula ng magkuwento si Eder sa amin.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon