Chapter 25

27.2K 1K 42
                                    

Agatha's POV


Noong una, medyo nahihirapan kaming tatlo nina Mark at Aaron na tugisin ang kalaban. Mabuti na lang at sumunod 'yung dalawa at tinulungan kami.


Sampu na lang ang natitira sa ngayon, tig-dadalawa kami. Nang mapasulyap ako sa gawing kaliwa ko, nando'n si Aaron. Magaling palang makipaglaban ang mokong.


Tinaas niya ang kaniyang sandata habang nakayuko. Napaisip ako kung ano ang gagawin niya. Ilang saglit pa, ngumiti siya bago tumalon nang mataas sa ere habang nakataas ang kanang kamay at pinapaikot ang kaniyang sibat.


Sa kaniyang pagbagsak sa lupa, sakto ang nag-landing siya sa gitna ng kaniyang kalaban sabay habas na itinusok ang talim ng sandata niya sa dibdib no'ng isa at binawi kaagad saka itinarak naman sa kabila. Magaling, napamangha ako.


Kamukatmukat ko, hindi ko napansin ang kalaban na nakalapit na pala sa akin at isang malakas na sipa sa tiyan ang iginawad niya kaya napaurong ako at nanguluntoy sa lupa. Namalipit ako sa sakit habang hawak ang aking sikmura. Hindi ako papayag na matalo nang gano'n-gano'n na lang.


Napangiti ang kalaban dahil nasaktan niya ako. Akmang dadambahin niya ako at nakaumang sa ere ang kaniyang matutulis na kuko. Isasagawa ko na sana ang aking palano nang isang rumaragasang sibat ang tumarak sa kaniyang ulo. Napadako ang tingin ko sa pinagmulan ng sibat.


"Okay ba?" turan ni Aaron. Nakataas ang kanang niyang braso at naka-thumbs up sa akin. Isang ngiti na lamang ang tugon ko bilang pasasalamat. Kaagad akong tumayo sa aking pagkakabagsak sa lupa para tapusin ang isa pa. Nakabawi naman na ako ng lakas kahit papaano.


Kukuha na sana ako ng pamana sa aking likuran nang makaisip ako nang ibang istilo. Nakatayo lang ang kalaban at tila ba hinihintay kung ano ang aking gagawin.


Hinawakan ko sa dulong parte ang aking sandata sa may pakurba saka ito itinaas.


"Nag-enjoy ako sa pakikipaglaban sa inyo," sambit ko.


Isang pagak na ngiti ang aking pinakawalan bago ko ihagis sa direksiyon niya ang aking sandata na parang isang boomerang. Nanlaki ang mga mata nito nang dahil sa gulat. Nagawa pa niyang tumakbo ngunit naabutan din siya ng aking sandata kaya lumagapak siya sa lupa.


Naglakad ako papalapit sa kalaban upang kuhanin ang aking sandata.


"Nice one," bungad ni Aaron. Nakatayo lang siya sa isang gilid at nakahalukipkip habang pinapanood ang pakikipaglaban no'ng iba pa naming kasamahan.


"Salamat," tugon ko. Tumabi ako sa kinaroroonan niya at naupo sa lupa. Marami rin akong nagamit na enerhiya sa pakikipaglaban kaya kailangan kong mamahinga.


"Hindi ba natin sila tutulungan?" ani ko.


"Magtiwala ka sa kanila. Kaya nila iyan," tugon niya.


Pinanood na lang namin sila habang nakikipaglaban.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon