Arianne's POV
Miss na miss ko na talaga ang kapatid ko. Siya na lang ang nag-iisang kaagapay ko sa buhay, e. Sana nga, nasa maayos siyang kalagayan.
Sa totoo niyan, hindi naman namin tunay na magulang ang kumukupkop sa amin ngayon. Iniwan na kami ng totoo naming nanay at hindi na nagparamdam pa matapos niyang magtrabaho sa ibang bansa.
Siguro, masaya na siya roon. Hindi niya tinatamasa ang hirap na dinaranas namin dito. Siguro din, may bago na siya roong pamilya. Nakalimutan na nga siguro niya kami ni Ja. Ni ha ni ho'y wala siyang paramdam sa amin.
Si Tatay naman, matagal ng lumisan sa mundong ito matapos niyang maaksidente sa kaniyang pinagtatrabahuhan bilang isang construction worker. Nalaglag siya sa ika-pitong baitang ng gusaling ginagawa nila. May pakimkim naman ang kagawaran ng kaniyang pinapasukan ngunit hindi iyon sapat para matumbasan ang buhay ng aming ama.
Madrasta lang namin ang nanay na tinuturing ngayon. Matapos hindi magparamdam ni Inay nang limang tatlong taon dahil sa pangingibang bansa, naghanap ng ibang makakasama ang tatay. Hindi man bukal sa aking kalooban, tinanggap ko na lang din dahil doon masaya ang aking ama.
Nang mamatay naman ang tatay, naiwan kaming dalawa ni Janine sa aming madrasta. At sa aking inaasahan, nagkaroon nga siya ng panibagong kalaguyo at nagbunga ito ng dalawang supling, si Neneng na limang taong gulang at Totoy na apat na taon naman.
Salat na salat kami sa buhay. 'Yung perang sobra sa ibinigay ng kompanya na pinapasukan ni Tatay na nilustay naman ng aming madrasta sa pagsusugal. Mabuti na nga lang at mabait si Tito, ang asawa ng aming madrasta. Mabait naman siya sa amin ni Janine kahit hindi niya kami tunay na anak.
Masipag si Tito, binibigyan pa niya ako minsan ng extrang pera kapag marami-rami siyang nabenta sa pangangalakal ng basura.
Iyon ang rason kung bakit nagsusumikap ako sa buhay. Nakapasok ako sa marangyang paaralan dahil na rin sa pagiging iskolar ko. Lubos akong nagpapasalamat dahil nandiyan sina Ginny at Roxette na aking kaagapay.
Hindi ko talaga lubusang maisip minsan sa tuwing nagninilay-nilay ako na naging parte ako ng grupong D' Sossys gayong ibang-iba talaga ako sa kanila. Pero kahit na ganoon, hindi naman ako pasosyal. Si Ginny lang talaga ang sosyal sa amin, simple lang din kasi si Roxette.
Pansin ko nga lang din, matapos ang kaganapan sa may isla nila Ginny, malaki na ang kaniyang pinagbago. Hindi na siya masyadong pasosyal at nabawas-bawasan na ang pagiging pabida niya lalo na't alam naman namin na mayaman talaga sila. Nakatutuwa lang dahil positibo ang kaniyang pagbabago. Lab lab you talaga, Sis!
Ngayon, nandito na kami sa labas ng aming bahay. nakahihiya tuloy kay Ginny dahil nakita pa niya ang barung-barong naming bahay.
Hindi kasi talaga ako nagpapapunta ng kahit na sino sa mga kaklase ko rito sa bahay namin simula noong nasa elementarya pa ako dahil ayaw kong matukso. Na kesyo tagpi-tagpi lang ang bahay namin, na mas mahirap pa kami sa daga, mga gano'n.
"Sis, pagpasensiyahan mo na ang bahay namin, a?" bungad ko habang nakatayo pa kami sa labas.
BINABASA MO ANG
Might of Alibata (Published)
Mystery / ThrillerAlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, hanggang mabaliw ka sa akin. Hinding-hindi mo ako makakalimutan, sisiguraduhin kong tatatak ako sa 'y...