Chapter 21

29.3K 1K 224
                                    

Ginny's POV


Pagkarating namin sa may bayan, ako, si Arianne at si Agatha ay bumaba ng sasakyan para tingnan kung may laman pa ba ang credit card ko.


Tumungo kami sa pinakamalapit na withdrawal machine. Nang ipasok ko ang card sa loob no'n, laking tuwa ko at hindi pa rin nawawala ang laman no'n.


"Syaks guys! Umaayon sa atin ang tadhana!" giit ko sa dalawa kong kasama.


Para kaming mga bata na tuwang-tuwa at magkakahawak pa ng kamay at tumatalon-talon. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kami kasaya.


Sampung porsyento lamang ang nakuha namin doon sapagkat ubos na ang lamang pera ng makina. Sapat naman na ito para maging pocket money ng mga aalis saka pambili na rin namin ng cellphone kahit 'yung mumurahin lang para mayroon lang kaming komunikasiyon sa isa't isa.


Bumili kami ng tatlong mumurahing cellphone at sim card na rin. Isa, para sa kanila; ang isa ay para sa amin; at ang isa ay para sa mga maiiwan sa bahay.


"Mukhang okay na ang lahat, mauuna na kami," turan ni Agatha.


"Sige guys, ingat kayo!" pahayag ko.


"Ingat!" segunda naman ni Arianne.


Pagkaalis ng sasakyan, naiwan kami ni Arianne para mamalengke na rin. Sinabi ko naman na kay Manang na ako na ang totoka ngayon.


Higit na katagumpayan ang nawa'y makamit namin.


Helga's POV


Ngayon ang itinakdang araw para makapaghasik kaming muli ng lagim. Ipinatawag kaming tatlong magkakapatid ni Death para sa isang pagpupulong.


"Kayong tatlo ang aking makakaagapay para sa laban na ito," bungad niya.


Narito kami sa loob ng isang kuweba na tinatanglawan ng nagniningas na apoy sa aming kalagitnaan.


"Nalalapit na ang pagtutuos naming muli ni Life kaya inaasahan ko kayong tatlo sa pakikibaka na ito," aniya.


"Opo," sagot naming magkakapatid.


"Ikaw, Helga," turo niya sa akin.


"Ang tinagurian kong Maria of Temptation," dugtong pa niya at sandaling huminto.


"Ipinagkakaloob ko sa iyo ang kapangyarihang manukso sa kahit na anong paraan bilang dagdag na kapangyarihan," turan niya.


"Maraming salamat, aming Panginoon," sambit ko habang nakayuko.


Nagulat ako sa sumunod na nangyari nang lumutang ako sa ere at taas-taas ni Death ang kaniyang balintataw na mayroong bungo at patalim sa dulo nito. Ito'y nagliliwanag at naglalabas ng itim na usok na patungo sa akin. Parang ahas ang mga usok na lumilingkis sa akin.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon