Chapter 14

33K 1.2K 31
                                    

Agatha's POV


Napatigagal ako nang makita ko si Joan. Hindi ko alam kung bakit siya nagpakita pero tiyak kong mahalaga ang nais niyang iparating sa amin.


Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka bumaba. Nandito pa rin kami sa subdivision nila Morx at nakagilid naman kami malapit sa may malaking puno.


Sumunod naman sina Morx at Rox. Lahat kami ay nakikisimpatiya sa sasabihin ni Joan.


"Nalalapit na ang pagkilos ng tatlong maria kaya kailangan ninyo na ring simulan ang paghahanap sa libro," aniya habang nakalutang sa ere.


Napalunok akong bigla ng aking laway dahil sa aking narinig.


"Mahihirapan ba kaming mahanap ang libro?" tanong ni Morx.


Napangiti si Joan dahil sa tinuran nito. Lumapag siya nang kaunti pero nakalutang pa rin siya.


"Depende, Morixette. Pero huwag kayong mag-alala, kaagapay ninyo ako."


"Saan at paano kami magsisimula?" tanong naman ni Rox.


"Magandang katanungan iyan, Rox," aniya.


"Ako ang maggagabay sa inyo. Nasa akin ang unang clue," dugtong pa niya.


"Unang clue? Ibig sabihin ba nito'y may iba pa?" tanong ko.


Tanging tango lamang ang kaniyang itinugon.


"Kung gayon, marami pala kaming pagdaraanan bago matagpuan ang libro," saad ko pa.


"Tama ka, Agatha. Hindi ninyo basta-basta mahahanap iyon kung hindi ninyo paghihirapan."


Mukhang matinding pakikipagsapalaran na naman ang aming kakaharapin.


"Grabe, kung sa ABaKaDa ay halos magkanda-kuba-kuba ako para maintindihan ang mga clue na ibinigay at mailigtas ang sunod nitong biktima," singit ni Morx.


"Paano pa kaya rito sa Alibata? Baka matuyuan na ako ng dugo," pahayag pa niya.


Tama siya, paanong paghihirap kaya ang kakaharapin namin sa paghahanap ng Alibata?


"Hindi biro ang paglalakbay na isasagawa ninyo kaya tiyaga at katatagan ng loob ang inyong kailangan," ani Joan.


"Paglalakbay? Ibig mo bang sabihin ay iba't ibang lugar ang aming pupuntahan?" tanong ni Rox.


"Oo, Rox. At hindi lahat kayo, maglalakbay."


Napapungay akong bigla ng aking mata dahil doon. Bakit kaya hindi lahat kami?

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon