Chapter 63

18.1K 697 87
                                    

Nikka's POV


Nagulat kami dahil wala ngang nagbago sa anyo ni Mark pero may letrang S sa kaniyang braso. Maski ako ay naguguluhan nang dahil doon.


"Magaling, natalo mo si Sheldon. Tingnan natin kung kaya mo akong talunin," sambit ni Nyon at humaba ang buntot niyang mayroong patalim patungo kay Mark.


"Ako ang harapin mo," giit ni Rox habang salag-salag ang bunot ni Nyon gamit ang kaniyang arnis.


Silang dalawa ang nagtuos. Samantala, nilapitan ni Agatha si Mark para alamin kung kumusta ba ito.


"Mark, okay ka lang ba?" aniya.


"May kakaiba akong nararamdaman. Nakakaramdam ako ng kakaibang init dito sa loob ng aking katawan," tugon niya.


Hindi alam ni Agatha kung ano ba nangyayari sa nararamdaman ni Mark ngayon. Patuloy pa rin siya sa pag-iisip. Ilang saglit lang, nagliwanag ang paper gam at lumabas mula roon si Joan.


"Binabati kita Mark dahil nagtagumpay kang talunin ang isa sa apoy na ahas. Ngayon, kayong dalawa ay iisa na," bungad ni Joan.


Nagugulumihanan si Mark sa tinuran ni Joan. Hindi pa maliwanag sa kaniyang sistema ang nais nitong patungkulan.


"Maaari mo nang mapasunod si Sheldon at magagamit mo na rin ang kaniyang kapangyarihan," paglilinaw nito.


Natuwa ako dahil nadagdagan ng puwersa ang grupo namin. Masaya ako para kay Mark dahil nagtagumpay siya.


"Talaga?" maligayang sambit ni Mark. Kaagad naman niyang ginawa ang ginagawa ni Sheldon para magamit nito ang kaniyang kapangyarihan ngunit walang lumalabas na bolang apoy sa kaniyang palad.


"Joan, bakit ayaw? Ano ang dapat na gawin ni Mark?" segunda ni Agatha. Idinako ni Joan ang kaniyang tingin kay Mark.


"Mark, isulat mo sa hangin ang letrang nandiyan sa braso mo para magamit ang kapangyarihan ni Sheldon," aniya.


Sinunod naman siya ni Mark. Isinulat ni Mark sa hangin ang letrang S.


"Ahh!" sigaw ni Mark dahil unti-unti niyang nararamdaman ang kapangyarihan ni Sheldon na dumadaloy sa kaniyang katauhan.


Ang mata ni Mark ngayon ay parang naglalagablab na apoy.


"Fire ball," sambit niya at nabuo naman sa kaniyang palad ang limang bolang apoy at kaagad niya iyong inihagis sa kinaroroonan ni Nyon. Alerto ang kalaban dahil kaagad siyang lumipad paitaas upang maiwasan ang tirang iyon.


"Maraming salamat, Joan," saad ni Mark nang mapagtanto niya na kung paano gamitin ang kaniyang kapangyarihan.


"Walang anuman. Ganiyan lang din ang gagawin mo kapag natalo mo na ang iba pa," tugon ni Joan. Isang ngiti ang kaniyang pinakawalan bago siya bumalik sa loob ng paper gam.

Might of Alibata (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon