Si Mommy

314 6 0
                                    

(Isang Lathalain)

*****

Panganay ako sa aming mga magkakapatid. Siyempre tuwang-tuwa si Mommy kasi first baby niya ako. Napakataba ko daw. Napakaraming oras ang binigay niya sa akin. Patunay lang na mahal niya ako. Pero grabe ang galit niya noong nalaman niya na hindi pala ako ang unang anak sa aking Daddy na naging dahilan para mag-away sila. Nag-aaway man sila ay hindi na pinapaki-alaman ni Mommy ang mga babae ni Daddy. Isang araw nga eh, nagharap-harap si Mommy, si Daddy at ako. Tandang-tanda ko pa 'yun. Dinala ako ni Daddy sa tapat ng Jolibee sa SM Manila kasama ang babae niya na "Mabel" ang pangalan. Sinundo ako ni Mommy at inagaw ako kay Daddy. Nag-away-away sila na wala akong kaalam-alam. Siyempre, bata pa ako noon eh. Nang nalaman ng mga magulang ni Mabel na may asawa na si Daddy ay abot-abot ang paghingi nila ng paumanhin kay Mommy, dahil sinabi daw ni Daddy na single pa sya. Sinungaling 'di ba?! Simula noon, nagsama uli sila.

Minsan nga eh, away sila nang away na naging dahilan para palayasin sila ni Lolo kasama kami ni Sean. Hindi ko alam kung saan 'yun pero doon kami tumira pansamantala. Umalis si Daddy, pupunta siyang Macao para magtrabaho. Buntis si Mommy noon kay Lyndsay, ang bunso kong kapatid kay Daddy. Market Master din si Mommy sa San Andres Market sa Manila noong mga oras na 'yun kay 'di kami masyadong namroblema sa mga gastusin. Noong kakasimula pa lang ni Daddy magtrabaho sa Macao ay nagpapadala pa ito ng pera. Nakapag-ipon pa sila ng pampagawa ng bahay dito sa Bulacan. Pero isang araw, siguro mga 10 years old na ako noon, nalaman na lang ni Mommy na may babae na naman si Daddy. Matinik talaga si Daddy sa mga chicks! "Marites" naman ang pangalan ng babae. Maganda siya. Kamukha ni Marian Rivera, sa bandang puwitan. Ibig kong sabihin, magandang SAPAKIN!

Makalipas ng isang taon, nalaman ko na lang din na may boyfriend si Mommy, si Tito Ian. Ginawa ni Mommy iyon para gumanti sa mga ginawang kahayupan ni Daddy sa amin. Mahal ni Tito Ian si Mommy na naging dahilan para hindi na siya bumalik sa New York, USA.

Noong bandang mga June noong nakaraang taon, nalaman ko na buntis si Mommy kay Tito Ian. Habang ipinagbubuntis niya ang kanyang baby boy, ay nagkwento sya tungkol sa aming magkakapatid noong baby pa kami. Nakwento niya noong isang taong gulang pa lang ako, sinampal daw ako ni Daddy sa pisngi. Nangitim daw ung pisngi ko. Tapos may sinabi siya na nakonsensya siya. Apat na taong gulang ako noon, nag-aaway sila sa harapan ko. "Mommy, hug mo si Daddy. Daddy, hug mo si Mommy.", sabi ko sa kanila. Naawat ko sila. Tumigil sila sa pag-aaway nila.

Aaminin ko minsan mayroon ako sama ng loob kay Mommy. Konting pagkakamali ko lang, kung anu-ano na sinasabi sa'kin. Pero may nagsabi sa akin, proud na proud daw siya sa akin. Ipinagmamalaki niya pala ako sa mga kaibigan nya na ang bading nyang anak,matalino pala. Kaya nagulat na lang ako noong sinabi ni Ma'am na from Rank #4 ay naging Rank #17 ako. Ano sasabihin sa akin ni Mommy kapag nalaman niya 'to?! Noong umpisa ay nagalit siya sa akin pero noong nagtagal ay naramdaman ko ang pagsuporta niya sa akin sa pag-aaral ko kahit na ganito ako, na bading ang panganay niya. Doon ko lang din naramdaman na mahal na mahal niya ako kung ano man ako, kung sino ako. Sinusoportahan niya rin ako sa mga desisyon ko. Kaya alam ko na mahal na mahal ako ni Mommy.

Ngayon, malapit na siyang manganak uli. Mayroon na namang isang buhay na makakaramdam ng pagmamahal at pagkainga niya. Gaya ng pagmamahal at pagtanggap niya sa akin, kung sino at ano ang katayuan ko sa ating lipunan. Kaya dahil dyan, ito lang ang aking masasabi, "I Love You Mommy!!!".

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon