'Yung pagiging desperado ko,
Asang asa na magiging tayo.
Sapat na ikaw lang,
Sana, akin ka na lang.
Sa'yo, ako'y nagsusumamo,
Gusto ko nang maging tayo!
Hindi naman kita sasaktan,
Kaya, please, akin ka na lang!
I'm so into you,
'Di ko na kayang malayo sa'yo,
Sobrang lakas ng tama ko sa'yo,
Ngayon lang naramdaman ito.
Hanggang pangarap ka na nga lang ba?
Mapunta naman sa realidad, sana.
Kapag ika'y nasa piling ko na,
Wala na akong maihihiling pa.