Pakawalan Mo Na

34 2 0
                                    

Niloko ka na, minahal mo pa rin,

Lahat ng sakit ay iyong haharapin,

'Wag ka lang niyang iwan, lahat ay 'yong titiisin,

'Wag lang masira, mapagmahal na damdamin.


Kahit ayaw mo na, 'di ka pa rin bumitaw,

Nagpapakatatag, para walang umayaw.

Pero, dumating sa puntong 'di mo na kaya,

Dumating sa puntong siya'y iyong pinalaya.


Kahit masakit, pinilit mong bumangon,

Dahil lahat ng sugat ay humihilom sa tamang panahon,

Sa pagkakalunod, ika'y umahon,

Ang dating tuyot, naging punong maraming dahon.


Kalinsabay ng pagbalik n'ya,

Ang pagbalik ng iyong hinagpis,

Hindi ka makapagsalita,

Ang tasa'y nawala sa iyong lapis.


Hija, umayos ka. Panahon niyo'y lumipas na.

Ang diwa niyo'y pawang isang parirala,

Pinakawalan mo, panindigan mo,

'Di lang siya ang lalaki sa mundo.


Darating din ang taong nakalaan sa'yo,

Maghintay ka, may magmamahal din sa'yo,

Hija, 'wag sirain ang iyong mundo,

Dahil sa isang lalaking ika'y niloko.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon