Minsan, pansampay,
Madalas, ipamalo sa'kin.
Kaya takot ako dati kay Inay,
Dahil baka ako'y kanyang hambalusin.
Sa sobrang tindi ng pagkakapalo,
Iniiyakan ko ito,
Ginagawa daw nila ito,
Dahil mahal nila ako.
Kasingdami ng hanger na naibali sa'kin,
Mga aral na aking natutuhan,
Mga aral na aking dadalhin,
Hanggang sa aking katandaan.
Mga ganitong alaala,
Dating iniiyakan,
Ngayon tinatawanan na lang,
Alaala ng isang pasaway na bata.
..oOo..
Author's Note: It's fun to reminisce those moments. Haha! Na-inspire lang akong sulatin ito nang may nakita lang akong hanger na nakasampay sa kama ko. Lol. Hope you enjoyed reading it. HAHA! Lahat naman na siguro kayo ay napalo na ng hanger? XD