Marami na akong nagawang masama sa'yo,
Pero wala akong narinig, ni katiting na reklamo.
Nariyan ka pa rin, nagtitiyaga,
Kaya sorry na, sorry na, sorry na.
May mga oras na nagagalit ka na,
Kabaitan mo, aking nasasamantala,
Pero tandaan mo, mahal na mahal kita,
Kaya sorry na, sorry na, sorry na.
Mahal mo ako, sana nga.
Sa pag-ibig mo, ako'y umaasa,
Alam ko, marami akong nagawang 'di maganda,
Kaya sorry na, sorry na, sorry na.
'Di maiiwasan ang tampuhan,
Pag-aaway ng magkasintahan.
Pero 'di maiaalis, pagnanais na ika'y maging masaya,
Kaya sorry na, sorry na, sorry na.