Mundo ko'y tulad ng isang papel na walang laman,
Nagkaroon, pawang mga guhit lamang.
Mga guhit na iyong binigyan ng kulay,
Gamit ang 'yong krayola na nagbigay sa akin ng buhay.
Iba't ibang kulay na humubog sa aking pagkatao,
Dahil sa'yo, nalaman ko kung ano ang dapat mabago,
Sa sarili ko, para ako'y mahalin mo,
Ikatitingkad ng kulay ng buhay mo, at ng buhay ko.
Salamat sa iyo, aking iniirog, aking mangguguhit,
Nilagyan ng kulay, na may kasamang ngiti na naiguhit.
Bawat sandali'y hinding hindi maiwawaglit,
Pintor na ni kailanman, aking ipagpapalit.
Krayola na nagbigay ng kulay sa'kin,
Pag-ibig na ginuhit mo, hindi ko buburahin,
Kay sarap humarap sa salamin,
Na nakikita ang mga iginuhit ng isang taong nararapat mahalin.