Ikaw 'yung lalaking nagtanggol sa'kin,
Kahit mukha mo'y kanilang basagin,
Dumating sa puntong gusto kitang mahalin,
'Yun nga lang, kaibigan lang ako sa iyong paningin.
Masakit damhin, pero totoo,
Na ako lang ay isang kaibigan mo,
Pero Pare, ikaw ang mahal ko,
Ayaw kong maalis ka sa tabi ko.
Macho nga ang katawan ko,
Napakalambot naman, aking puso,
Nahulog sa isang tulad mo,
Tulad mo na hindi papatol sa kagaya ko.
Pagkakaibigan natin, ako'y makukuntento,
Para hindi masira, pagkakaibigang nabuo.
Pero Pare, tandaan mo ito,
Narito lang ako, kahit anong oras na gustuhin mo.