Kap'rasong inggit, nararamdaman ko,
Nang makita kong siya ang kausap mo,
Kausap mo lang naman, kaibigan ko,
Kaibigan kong may gusto rin sa iyo.
Bakit ba gan'to ang nararamdaman ko?
Nagseselos ako, kahit 'di naman tayo.
Hindi dapat, pero nasasaktan ako.
Gano'n kalakas ang tama ko sa'yo.
Buti at naipaliwanag mo lahat,
Na nagseselos ako pero 'di dapat.
Kasalanan ko rin naman pala ito,
Sorry na, ma-drama lang talaga ako.
Kapirasong bahagi ko ay na sa'yo,
Ikaw lang, nagparamdam sa'kin nang gan'to.
Sana, ikaw na ang makakasama ko,
Hanggang sa huling saglit natin sa mundo.