Pag-ibig, pag-ibig, bwisit na pag-ibig!
Sa mga bibig nila, lagi ko na lang naririnig.
Ang sasarap ikuskos ng mga pagmumukha sa sahig,
O kaya naman, paliguan ng kumukulong tubig.
Paano ba naman kasi?
Unahin daw ba ang paglandi?
Kunwari nag-aaral,
Pero ang katotohanan naman, sila daw ay "nagmamahal".
Kahulugan tila'y nagbago na,
Akala nila'y pagmamahal ay ganoong kadali,
Kaya 'pag pag-ibig ang naririnig nila,
Parang mga kiti-kiti, hindi sila mapakali.
Gaya ng pagtatanim, ang pagmamahal ay hindi biro,
Nakatayo man o nakaupo, gamitin ito nang seryoso.
'Wag itong ihalintulad sa isang laro,
Dahil 'pag ito'y ginago mo, malamang iiyakan mo ito.