Panira Ng Araw

41 1 0
                                    


'Yung sobrang saya ng araw mo,

Tapos dumating ang isang gaya ko,

Isang taong sobrang negatibo,

Isang taong sumira ng araw mo.


Pasensya kung ganito talaga ako,

Alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa'yo,

Alam kong imposible nang mahalin mo rin ako,

Mahalin ako nang gaya ng pagmamahal ko sa'yo.


Sinira ko lang naman ang kaarawan mo,

Isang espesyal na pagdiriwang sa buhay mo,

Na magpapabago ng imahe ko sa iyo,

Imahe na pawang negatibo.


Alam kong matindi ang galit na nararamdaman mo,

Alam ko 'yun. Ang laki ko kasing basag-ulo.

Pero kahit ganoon, nawa'y ako'y patawarin mo,

Dahil 'di ko kakayanin 'pag nawala ka sa tabi ko.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon