Siguro naman at napakinggan niyo na ang "Lintik na Pag-ibig" ng Brownman Revival. HAHA PAKINGGAN NIYO HABANG BINABASA 'TO!
*****
Pag-ibig, nararamdaman mo sa tao,
Ang dahilan kung bakit ka nagbago,
Dahilan kung bakit ka laging masaya,
Ang buhay mo ay nagiging maligaya.
Pag-ibig, pag-ibig, lintik na pag-ibig,
Aking naririnig sa maraming bibig,
Sarap buhusan ng kumukulong tubig,
O kaya naman ay ingudngod sa sahig.
Pag-ibig, uso ngayon sa kabataan,
Siguro dahil sila ay napabayaan,
O walang pagmamahal na naramdaman,
Kaya ito'y gusto nilang maranasan.
Normal lang naman sa'tin ang magmahalan,
Hintayin lang natin, wastong katandaan,
Dahil darating ang taong nakalaan,
Para samahan ka hanggang kamatayan.