Mamahalin Pa Rin Kita

58 4 0
                                    

Narinig ko na ang katotohanan,

Bakit 'di ko pa rin mapigilan?

Aking nararamdaman para sa'yo,

Hindi pa rin nagbabago.


Sinabi mo nang wala kang gusto sa akin.

Pero bakit gano'n? Ika'y mahal ko pa rin.

Kahit hindi ka magiging akin,

Patuloy ko pa rin siyang pinapanalangin.


Mamahalin pa rin kita,

Kahit hindi pa rin ang sagot mo, hindi ako magsasawa.

Gagawin ko ang lahat, kahit pagpapakatanga,

Ang mahalaga, mahal kitang talaga.

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon