Malaika (Isang Pagsasaling Wika)

188 5 0
                                    

Malaika (Isang Mito ng Silangang Africa)

Isinalin sa Filipino ni Liam Green


Isang mabuting espirito ang ipinadala ng langit para tumulong sa mga tao. Mahal ng mga tao ang Malaika at nagta-trabaho nang husto para makuha ang kailangan nila. Espesyal silang ginawa ng Panginoon para gabayan ang mga tao sa pagpili ng mga bagay na dapat gawin sa hindi. Hindi nakakatanggap ng pagkain ang Malaika, ito'y dahil ang pagdarasal ang itinuturing nilang pagkain. Nanggaling sila sa liwanag, ang unang ginawa ng Diyos, kaya sila ay malinaw at hindi man lang nag-iisip nang masama, kaya't hinahayaan silang mag-isa. Lagi silang sumusunod sa Diyos, na nagbibigay ng biyaya sa mga taong nanghihingi nito. Ang mga anghel ay 'di nakikita, pero noong ipinadala ng Diyos ang anghel na si Mikail para talunin ang isang makapangyarihang demonyo. Nagpakita si Mikail sa kanyang buong katauhan at madali niyang nagapi si Karina na nabibighani sa alindog ng hitusra nito. Nagmukha siyang matandang babae nang matapos ang labanan. Pero noong ipinakita ni Jiburili ang kanyang sarili, tinakpan niya ang langit. Ang mga anghel ay binabantayan ang langit sa mga atake ni Shaitani na nagbabato ng mga rocket (Shihabu), na mas nakilala natin sa tawag na falling stars. Nang mamatay si Malaika, sumunod na rin ang iba pang tagapagpasunod ng Diyos. Nagpatuloy pa rin siya sa pagpapadala ng mga anghel sa pakikipaglaban sa mga kaaway, sa mga nilalang na hindi naniniwala sa kanya. Ang Malaika Wa Vita, o kilala na mga mandirigmang anghel, ay maghuhulog ng mga nag-aalab na bato sa kaaway.

Note: Nagpa-practice pa lang ako sa translating. Lesson kasi sa school. Sorry kung may mapapansin kayong incoherence sa plot. Maski ako, naguluhan. Lol.

Well, makikita niyo naman siya siguro sa google, 'yon ay kung interesado kayong magbasa ng mga myths and legends. Yown lang! Enjoy reading! Xx

Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon