Bansang Greece sa Ilalim ng Debt Crisis

715 7 0
                                    

(Isang Sanaysay)

*****


Greece - isa sa mga pinakaunang sibilisadong bansa sa mundo. Napakamakulay ng kasaysayan nito. Ngunit, sa kabila nang napakaganda at makasaysayang kultura nito, tila'y isang larawan na nawalan ng kulay ang kanilang ekonomiya dahil sa pagkalubog nila sa utang o tinatawag na Debt Crisis  o Greek Crisis.

Ayon sa aking nasaliksik, nagsimula ang krisis na ito noong huling bahagi ng taong 2009, halos dalawang taon matapos ang isa pang krisis pinansyal. Sumibol pa lalo ito dahil sa abnormalidad ng kung tawaging Great Recession, pagkatuklas ng katiwalian sa pamahalaan at iba pang suliraning pang-ekonomiya. Dahil dito, nagkaroon ang Greece nang kaunting pagbabago na nagbigay ng kaibahan sa iba pang bansang kasapi ng European Union o Eurozone. Madalas itong naikukumpara sa bansang Germany na isang napakaunlad na nasyon.

Ayon rin sa aking nabasa, noong taong 2012, ang Greece ay nakapagtala ng pinakamalaking sovereign debt default sa kasaysayan. Sa palagay ko'y grabe ang nararanasan nila ngayon. Nabasa ko rin na noong ika-30 ng Hunyo, taong 2015, idineklara ang Greece bilang kauna-unahang sibilasadong bansa na nabigong magbayad ng utang sa IMF o International Monetary Fund. Noong panahon ding iyon, umabot ang kanilang utang sa 323 Billion Euro o 30,000 Euro Per Capita. Lubhang nakakaabahala ito dahil maraming ambag ang bansang Greece hindi lang sa Eurozone, pati na rin sa buong daigdig. Akin ring nabasa na 'pag nawalan ng kontribusyon ang Greece, maaapektuhan nito ang ekonomiya ng iba pang mga bansa, lalo na ang mga karatig-bansa nito.

Para sa'kin, pagkakaisa ang magiging susi para ma-resolba ang suliraning ito. Dapat magtulung-tulong tayo para maiangat natin ang ekonomiyang Griyego at maibalik ito sa dati. Sa mga pulitikong mahilig mangupit, sa tingin ko'y dapat bumaba na kayo. Maawa naman kayo sa mga taong naghihirap at nagdurusa sa mga kapabayaan ninyo. Sa mga kabataang gaya ko, tayo'y magkaisa para mabawasan natin ang problemang ito. Edukasyon ang kailangan natin. Bakit? Kasi kapag alam ng isang tao ang esensiya ng pagkakaroon ng edukasyon, ito'y magiging aplikasyon sa kanyang pagkatao at maibabahagi ito sa iba, at 'pag naibahagi natin ito sa iba, makakamit natin ang pagbabago - kaalaman ang susi sa magandang kinabukasan.

Paano ko maipapalaganap ang konseptong ito sa mga Greek? Alam kong medyo matatagalan ito, pero sana'y makatulong ako kahit sa simple kong pamamaraan, para maiangat ang Greece. Sa ganang akin, hindi sapat ang $8.4 Billion na pantustos ng European Union para maiangat ang ekonomiyang Greek. Sa tingin ko, dapat ring maghalal ang mga Greeks ng taong karapat-dapat, mga taong may integridad - mga taong hindi lamang talino ang ginagamit sa pamumuno, kun'di mga taong alam ang tama sa mali. Dapat ring itugon ang problemang ito sa Organisasyon ng mga Nagkakaisang Bansa o United Nations.

Sa mga kapwa ko namang Pilipino, hindi natin maitatanggi ang posibilidad na ito'y mangyayari sa ating ekonomiya. Tatlong salik ang pumapasok sa aking isipan na pwedeng maging dahilan para magkaroon ng Debt Crisis ang Pilipinas:

Una, kawalan ng edukasyon. Aking nabanggit kanina na dapat nating pahalagahan ang edukasyon dahil malaki ang maitutulong nito sa atin. Kawalan nito'y maaaring maghudyat sa unti-unting pagbagsak ng ating bansa. Kaya sa tingin ko'y dapat asikasuhin ng Kagawaran ng Edukasyon at iba pang organisasyon ang pagpapalaganap nag konsepto at kahalagahan ng pagiging isang taong edukado.

Pangalawa - unemployment rate. Mga taong edukado nga, wala namang naiaambag para tumaas ang per capita income at mapataas ang ekonomiya. Dapat kumilos ang pamahalaan para matugunan ang suliraning ito. Kakulangan ng trabaho ay maaaring magdulot ng mga illegal na trabaho na nagpapataas ng criminality rate ng bansa, na pwedeng mag-ugat sa pagbaba ng ekonomiya nito.

At ang huli naman ay ang mga taong edukado at may naiaambag sa ekonomiya, pero 'di naman tama ang pamamahala - halimbawa nito'y ilan sa mga pulitikong mahilig mangupit sa kaban ng bayan. Mulat na tayo sa proseso ng pagbabayad ng buwis, kung saan, dito kinukuha ang pangunahing pondo ng Pilipinas. Gaya ng sa Greece, dapat tayo'y maghalal din ng lider na kayanga panindigan ang kanilang gampanin sa pamahalaan.

Hindi natin kayang sugpuin, pero kaya nating bawasan. Pagkakaisa ang paraang ating inaasahan para sa ikauunlad ng bayan. Tayo'y magtulung-tulong, alamin ang tama at mali,a mga dapat gawin at hindi, para sa ikauunlad ng ekonomiya.

Pak! Para sa ekonomiyaaaa!!!


***

Author's Note: I may not be sure of the info I got from the net. Haha! This essay is purely an opinion. Walang pinapatamaan. Kaya 'wag ano ah. Chos!

*Well anyway, alam niyo naman kung ano ang sanaysay o essay 'di ba? Ito ang na-search ko from http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html:

Ang ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.

So hayan na ang kahulugan ng Sanaysay. I hope that I had given you more information, especially those aspiring writers as well, though makukuha niyo siya sa net. Lol.

Enjoy reading!


Panitikan CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon