Narito ako ngayon sa sulok, nag-iisa.
Wala nang ibang ginawa kung hindi isipin ka.
Sinasaisip, mapapait na alaala,
Ang sugat ko, muli ay nagiging sariwa.
Kasabay ng liwanag na lumalamlam,
Ang aking labis na pagdamdam.
Tanggap ko naman na kung ano ang mayroon tayo,
Sadyang 'di ka lang maialis sa isip ko.
Pinipilit kong kalimutan ka,
Inaabot ng aking makakaya,
Bakit gano'n? Mahal pa rin kita,
Kahit ang puso ko'y warak na warak na.
Kahit ilang beses isampal sakin ang totoo,
Sadyang ikaw pa rin ang gusto ko.
Pero kakalimutan kita, kahit nasasaktan ako,
Alam ko namang ikabubuti natin itong pareho.
Damdaming kinikimkim,
Tila langit na nagkukulimlim.
Kahit ang kinalulugaran ko'y madilim,
Nakakahinga naman ako nang malalim.